10 ~ Escape

251K 6.7K 1.1K
                                    

KINAKABAHAN siya habang naglalakad papunta sa unit ni Cassidy. Kung hindi niya pa makakausap ang binata baka hindi na naman siya makatulog ng maayos at kung maaari lang sana ay ayaw niya ng ma-stress pa. She badly needs to talk to him.

Pinindot niya ang doorbell ngunit ilan minuto na ang nakakalipas pero wala pa din nagbubukas ng pinto. Alam niyang nasa loob lang si Cassidy dahil na din sinabi ni Saleen kanina. Ang kaibigan niyang iyon ang nagsisilbing spy para malaman niya kung nasaan ang binata.

"Hey!" Napaigtad siya ng may magsalita mula sa likod niya. "What are you doing?"

"Mazda!" Naiiritang sabi niya. "Huwag mo nga akong ginugulat."

"Its Cassidy's room."

"I want to talk to him."

"Okey." Anito at naglakad na palayo sa kanya na para bang hindi sila nagkita.

Akmang pipindutin niya muli ang doorbell ng biglang bumukas ang pinto at iluwa niyon ang isang blondeng babae, sa likod nito ay ang naka topless na si Cassidy.

"I have to go babe." And the woman kiss him. "See you tomorrow." Napatingin sa kanya ang babae sabay lumipat ang tingin nito kay Cassidy. She looks confuse. "Who is she?"

Cassidy look at her. "I don't know." And that hurt her. Harap-harapan na itinatanggi siya nito.

"Okey." The woman shrugged and walk away. Isasara na sana ni Cassidy ang pinto ng pigilan niya.

"What the hell?!"

"Matatanggap ko na itanggi mo sa iba na hindi mo ako kilala pero sana kahit ngayon lang kausapin mo ako." Hindi ito nagsalita. Hindi din siya nito tinitignan. "Tatanggapin ko na wala na talaga Cassidy—"

"Tanggap mo naman pala ano pang ginagawa mo?"

Mapakla siyang tumawa kasabay ng paglaglag ng luha mula sa mata niya. Masakit na iniiwasan at itinatanggi siya ng binata pero mas masakit 'yung maramdaman niyang wala na talaga siyang magagawa upang mahalin din siya nito.

"I just want to tell something...very impor—"

"Stop begging, Stella. How many times do you want me to tell you na hindi kita mahal?!" He almost scream at her. "Hindi kita kayang mahalin!" Tumawa lang siya sa sinabi nito. 'Yung tawa na mararamdaman mo 'yung sakit at pait. "Hindi mo ba nakikita, iniiwasan kita? Itinatanggi kong kilala kita para ikaw na 'yung kusang lumayo."

Panay lang ang bagsak ng luha niya pero napansin niya sa kanyang peripheral vision si Mazda na prenteng nakasandal lang sa pader ilang metro ang layo sa kanya habang naninigarilyo kahit non smoking area ang lugar na iyon.

"B-bakit? Bakit ginagawa mo sa akin 'to? W-wala naman akong ginawa sayo, minahal lang kita. Mali ba iyon?" He didn't answer. "Mali ba na minahal kita? Kasalanan ba na magmahal ako ng taong hindi ako kayang mahalin?" Humikbi siya. Ang isang kamay niya ay nasa ibabaw ng impis niyang tiyan at hindi niya na napansin iyon. "Kung kasalanan na mahalin ka... Handa akong harapin at taggapin lahat ng sakit."

"That's how stupid you are."

"Hindi mo alam..." She sobs. "Hindi mo alam kung gaano kasakit Cassidy, pero tama si Saleen. Sana mawala na lang 'yung pagmamahal ko sa iyo para hindi na ako iiyak." Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi niya gamit ang dalawang kamay. "Sana kapag nagmahal ka na, mahalin mo 'yung tamang babae na nakalaan talaga sa iyo para hindi ka masasaktan at iiyak... katulad ko." Hilam ang mga luha na tinalikuran niya ang binata at patakbong naglakad papunta kung saan siya dadalhin ng mga paa niya.

I hate you, Cassidy. I hate you.








RACE 3: One Hot Night (Cassidy Forbes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon