CHAPTER 36 (part 1)

Magsimula sa umpisa
                                    

---

"Ate! si PB ko po? " tanong ko kay Ate na kasambahay nina PB ko dito sa kanila. abala sya sa pagdidilig ng halaman nung maabutan ko sya.

binuksan niya yung gate at ngiting ngiting humarap sa akin. 

(,^^) ------ (~~,) ayos. type yata ako ni Ate. -__-

"Hahahaha!" inuna pa niya ang tawa niya bago sagutin ang tanong ko. Potek.

"Ate, asan po kako si Ianne?" sabi ko na lang ulit sa kanya.

"Hahahah!" pero tuloy pa din sya sa pagtawa. aba naman. nakakaloko ito ahh. -___-

"Ate, kung tumitigil kaya kayo kakatawa diyan at sinasagot niyo po ang tanong ko? (~_~)! " finally, nakahalata rin sya at tumabi sa may gate na parang pinapapasok ako.

"Hahah! pasinsya ka na Siir Binch!! naisip ko lang dong, habang tumatagal, lalo ka yatang gumagwapo!!! yieeeeee!!! ^_____^

ganyan ba kapag si Ms. Arianne ang gerlprend dong!? sayd epeks ba? ganyan din si Siir Xave noon eh!" sabi sa akin ni Ate at hinampas pa ang braso ko. -_____-

"Haha. ganun ho ba?" naiilang ko na lang na sabi.

"pwede na ho ba ako pumasok?" sabi ko na lang sa kanya at itinuro pa yung pinto.

tumango tango naman sya pero ngiting ngiti pa din. Pssh! ano ba yan! Mas gusto ko pa na si Ate Cecille ang naaabutang kasambahay dito kapag dumadalaw ako, kasi iyon! matanda na kaya hindi ako pinagnanasahan! 

Pshh. BUHAY NGA NAMAN! HIRAP MAGING GWAPO! dadaan lang ako sa Gate, minamanyak na agad ako. Nyemas na buhay oh!

[a/n: kapal ni Bench! minanyak na agad? tawa lang ng tawa si Ate, manyak na sya?! EKSAHERADA! bwahaha! :DDD ]

"oh Ate Cecille, musta na po?! ^___^ " bati ko nung makapasok na ako sa loob, si Ate Cecille yung kaclose ko na kasambahay nina Ianne dito.

madalas kasi akong dumadalaw kay Ianne, lalo na nung ako pa yung tutor niya kaya naman, kapag may pagkakataon, nakakakwentuhan ko itong si Ate Cecille.

"ayos naman ako Bench! kamusta kana?! ikaw hijo,madalang ka na lang yatang dumalaw?? " sabi sa akin ni Ate Cecille na tinigil muna ang pagpupunas ng mga figurines para kausapin ako.

"oo nga ho eh. naging abala lang sa pag aaral. syempre, mabuting estudyante yata toh! ^___^ " sabi ko pa at pinukpok yung sa bandang dibdib ko gamit ang aking kamao. tumawa lang naman si Ate Cecille.

"aysya, umakyat ka na sa kwarto ni Ms. Arianne. kausap nya doon si Sir Shone. " sabi niya sa akin.

Skater Boy meets Ballerina Girl! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon