CHAPTER 26

8.8K 97 20

IANNE'S POV

napakawalang kwentang resume ng klase. sa bagay, ganito naman kahit saang school di ba? hindi naman agad nagkaklase. Pssh. kaya naman, dito na ako pumunta sa cafeteria. wala naman kasi akong magawa ehh.

waaa! namimiss ko na talaga si SB. mula ng gabing iyon, di kami nagparamdam sa isa't isa. aba! kapal ng mukha niya ah! dapat ako ang magalit sa ginawa niya! pero wala eeh. mas nararamdaman ko ang lungkot kesa galit. pero kahit na! sya ang may kasalanan kaya dapat sya ang lumapit! argh. sungalngalin ko kaya sya! bwiset sya! >___<

"oy!" tapos may biglang tumapik sa likuran ko. napalingon ako at ang nakita ko naman ay ang ngiting ngiting ex-boyfriend ko na umupo na sa tabi ko at inabutan ako ng shake and brownies. ako naman like "what-the-hell-are-you-doing-here.AGAIN!'

" ano na naman ang kailangan mo?" tanong ko tapos binigyan sya ng naiiritang expression sa mukha. e pano ba naman, these past few days, sya ang nangungulit sa akin at hindi si SB. ewan ko ba kung anong sumisige sa isang ito. panay ang pangungulit, pagtawag at pagdalaw sa akin.

" wala lang. namiss lang kita! hahaha!" tapos, inirapan ko na lang sya at kinain yung brownies. sayang naman kung hindi ko kakainin di ba?

"di pa rin kayo magkabati?" tanong niya sa akin. dahil nga ang kulit kulit niya at komportable pa din naman ako sa kanya as a friend, naikwento ko yung nangyari sa amin ni SB at ng kapatid niya. mabuti nga iyong aware sya sa nangyayari sa akin para alam niyang imposible na talaga ang lahat for the two of us.

"obvious ba? kung magkabati kami, e di sana hindi ikaw ang kasama ko. *rolled eyes*" sagot ko naman sa kanya. tumawa lang sya ng mahina tapos uminom dun sa shake na ibinigay niya. kita mo tong taong ito. akin yun eh! >3<

"Kylie, alam mo kasi. naiintindihan ko si Bench. sabi mo nga di ba, ang naabutan niya ay yung tayong dalawa na pilit ipinaglalapit ni Tita, kahit ako naman, magseselos din. in some part, maiinsecure din ako kasi mapapaisip ako, iba ang gustong lalaki for you ng family mo.

kaya kung ako ang nasa place niya, magiging weak din ako kung sakaling may babae na nandiyan sa tabi ko by that time at iyon lang ang naging role ng kapatid ko, gusto niya si Bench pero dahil lalaki pa rin si Bench, natempt sya. which is usual lang sa mga boys.

kaya ikaw Kylie, kung gusto mong magkaayos kayo, wag kang makipagmatigasan. intindihin mo din ang part niya para maayos ang misunderstanding niyo."

mahabang payo sa akin ni Xave. habang nagsasalita sya, tahimik lang ako. tama sya sa mga sinabi niya. at naiintindihan ko din ang point niya pero may isang bagay pa akong naisip, yung tungkol samin dalawa ni Xave.

actually, masaya ako sa ganitong status namin. weve been talking lately like we didnt have any relationship and hard feelings at all. parang tunay na magkaibigan lang. lalo na ngayong kausap ko sya, pakiramdam ko, hindi ako nag iisa dahil nandiyan sya tabi ko. although alam ko na masakit rin sa kanya na makita akong namomroblema dahil sa ibang lalaki lalo na at sanay sya na sya lang ang pinagututunan ko ng pansin noon.

Skater Boy meets Ballerina Girl! (COMPLETE)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!