CHAPTER 32 (part 1)

8.3K 100 21

BENCH'S POV

brrrr. ang lamig naman dito. (~3~)

naglalakad lakad ako ngayon at sinisipat kung saan ako uupo. medyo marami ng tao dito pero nakita ko naman kaagad ang seat ko.

hmm. ganito pala ang itsura ng mga theater plays? never pa akong nakanuod ng play eh. natulog lang kasi ako nung isinama ako ni PB dati. syempre, ang lamig kaya dito! ang sarap matulog! ^O^

pero iba ngayon! si PB ko ang magpeperform kaya hindi ako tutulog! ni kurap hindi ko gagawin! sayang naman ang dala kong bouquet kung tutulugan ko sya hindi ba? mahal ang bili ko dito sa tulips na ito nuh, ito na kasi ang --

*MELODY STARTS

nagkaroon ng konting commotion dito sa loob ng biglang dumilim pero napako ang mga mata ng lahat ng manunuod sa stage...

bumukas ang kurtina at makikita mo roon ang isang magandang dalagang nakasuot ng pink na bestida habang masayang kinukulit ang kanyang ina sa loob ng kanilang bahay.

*O*

hindi ako makapaniwala.. si PB iyon. napakaganda niyang tingnan sa kanyang suot. napaka inosente ng dating niya. ang galing niya at mapapanganga ka talaga sa paraan niya ng pagsayaw.

habang pinapanuod ko syang sumasayaw, napansin ko na talagang masaya sya sa ginagawa niya. makikita mo iyon sa mga mata niya. masasabi kong iyon ang totoong nasa loob niya at hindi basta arte lang. iyon talaga ang nararamdaman ng isang Arianne Alvarez.

kagaya ng ibang taong kasama kong nanunuod ngayon, nakatingin lang ako sa harap at pinapanuod sya. ang eksena na ngayon ay nilalapitan si PB ko ng bidang lalaki. medyo nahihiyang nagpapakipot ang dating niya. magaling rin palang umarte si PB ko ah. sa bagay, makukuha ba sya kung hindi?

pero seryoso. ang galing talaga niya. hindi ko mapigilang mapahanga sa kanya at alam kong ganoon rin ang iniisip ng lahat ng mga nakakanuod sa kanya ngayon.

pero sa kabilang banda, naisip ko.

Wala na dapat akong pag isipan. Nakapag desisyon na ako at hindi ko na iyon babaguhin. Papanindigan ko ang gusto ko. 

At ang gusto ko, laging makitang masaya ang taong mahal ko kahit ang ibig sabihin pa nun ay kailangan kong mag sakripisyo.

IANNE'S POV

naghawak hawak kami ng kamay at saka sabay sabay na nag bow sa audience. they gave us around of applause as the curtains slowly falls down.

ang saya. ang saya saya talaga! pakiramdam ko, gustong tumulo ng mga luha ko. napakaraming emosyon ang nararamdaman ko ngayon. halo halo na. pero syempre, nakakalamang ang saya..

i feel so fullfilled after our performance. hindi ko inakala na magagawa ko iyon ng maayos. naging matagumpay kami at nagugustuhan din iyon ng mga tao. ^____^

Skater Boy meets Ballerina Girl! (COMPLETE)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!