CHAPTER 16

10.1K 133 34

XIONNEN'S POV

nandito kami ngayon sa Participant's Room. Nandito ang lahat ng mga Ballerina na gustong mag audition para sa lead role ng stage play ng Bolshoi Theater na Giselle. Lahat kami umaasa na samin mapunta ang role ni Giselle. at syempre, hindi ako papahuli. gagawin ko ang best ko para makuha yung role. Sa totoo lang, isa lang naman ang kalaban ko talaga dito eh. at si Arianne Kylie Alvarez yun.

tama. pati sya nandito para mag audition. kasama niya yung kaibigan niyang si Shone Paolo. At kasama niya din ang bago niyang boyfriend, si Bench Hernandez.

nagulat talaga ako ng malaman kong sila ng dalawa. hindi ko talaga inaasahan yun. ang sakit pala nuh? ang sakit malaman na masaya na ang taong mahal mo. aware naman talaga ako na magiging sila pero, hindi ko pa din naiwasang masaktan at mapaiyak dahil dun. sana pala, hindi ko pinabayaan ng ganun ganun na lang ang nararamdaman ko para kay Bench.

FLASHBACK

" KUYA?!! SEROUSLY? IIWAN MO AKO PARA DIYAN?! I REALLY DONT GET IT! TAYO NA LANG ANG MAGKASAMA TAPOS IIWAN MO PA AKO? T_T "

magkausap kami ngayon ni kuya dito sa salla. hindi ko talaga sya maintindihan. ayokong umalis sya. hindi niya ako pwedeng iwan!

" Xionnen naman! intindihin mo ako! alam mong pangarap ko ito di ba? ito ang gusto kong gawin. ang tagal kong hinintay ito. hindi ba pwedeng matuwa ka na lang para sa akin?? "

ako pa ngayon ang hindi makaintindi sa aming dalawa? oo. tama. dahil hindi ko talaga sya maintindihan at ayoko syang intindihin!

" SIGE! GAWIN MO LANG ANG GUSTO MO! GANYAN KA NAMAN EH! SARILI MO LANG PALAGI ANG INIISIP MO !!! NAPAKASELFISH MO TALAGA KUYA!!!"

tumakbo ako palabas pagkatapos sabihin yun. umiiyak lang ako at hindi ko alam kung san ba ako patungo. ayoko talaga sa mga ganitong pangyayari sa buhay. mahihirapan kang magdesisyon. kailangan mong pumili at kailangan mo ding magsakripisyo. bakit ganito ba ang takbo ng buhay ng tao?! bakit kailangang may nang iiwan at may naiiwan?? TT_TT

*huk huk*

kanina pa akong umiiyak habang natakbo. hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa Park. nakakainis. dito ko lagi sinusundo si kuya tuwing hapon pagkatapos ng klase. pero ano ng gagawin ko kapag umalis na sya? sino ng susunduin ko? sino ng tatakbuhan ko kapag may problema ako? sino na lang ang magmamahal sa akin? kuya ko lang ang meron ako. tapos, iiwan niya din ako?? ang bigat bigat talaga ng loob ko ang ginawa niyang desisyon.. hindi ko yata kayang tanggapin yun. :((

" AHHH !!! LETCHE! " napatingin ako dun sa sumigaw. isang lalaking hawak hawak ang binti niya ang nakita ko. mukhang masama ang naging bagsak niya sa skateboard niya ah?

" tsk. kaya pa yan. " sabi niya sa sarili nya. lalapit sana ako para tulungan siya kaya lang, tumayo na sya ng sarili niya at nagsimula na naman ulit sa pagi-skateboarding.

pinanuod ko lang syang paulit ulit gawin ang mga nangyayari simula pa kanina. sasakay sya sa board, susubukan yung basic trick na yun, babagsak o sasablay dun sa ledge at tatayo muli. naawa na nga ako sa kanya eh. hindi lang sampung beses syang bumagsak. minsan hindi na talaga sya makatayo at madami na din syang natamong gasgas pero sige pa din sya.

Skater Boy meets Ballerina Girl! (COMPLETE)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!