CHAPTER 30

9K 95 23

HINDI PA DAPAT AKO MAGU-UD NGAYON KASI GUSTO KO MUNA TAPUSIN LAHAT NG PINAPANUOD KO KAYA LANG, BIRTHDAY KASI NGAYON NG DONGSAENG KO KAYA NAMAN, NAG UPDATE NA AKOOO! HIHI. SANA MAGUSTUHAN NIYO :)

HAPPY BIRTHDAY JONELLE ANNE SISON !!!!!

(isa sya sa mga mean girls (along with Christina and Mhekz) na naninira sa relasyon nina SB <3 PB kaya naman, sugurin sya! hahah. joke lang. Birthday Girl, pagbigyan. LOL)

-justine35^^

***********************************************************************************************************

BENCH'S POV

"CONGRATULATIONS BENCH HERNANDEZ FOR WINNING THE 20** STREET SKATEBOARDING COMPETITION !!!!!!!!!! "

kasabay ng malakas na pag announce ng MC ng pagkapanalo ko, automatic kaming nagsigawan at nagtalunan ng mga kasama ko pati na din ng iba pang manunuod. lahat sila nakiisa sa pagpalakpak kaya naman, bago pa ako makarating sa stage para kunin ang trophy ay napakarami ng pagbati at papuri ang natanggap ko.

Pssh. ano ba yan. masyado naman nila ako sinasamba. haha! samba agad? XD

"YONNN !!!! PAINOM KA NAMAN BENCH !!! CHAMPION EHHH! " sabi ni PJ tapos isa isa na silang nag apiran. present kasi ang tropa ngayon dito.

"oh ayan!" tapos, inabot ko sa kanila yung sobre na naglalaman ng Cash Prize, P10,000 yun, siguro naman, pwede na yun para mabusog silang lahat.

"AHH PUTCHA! ANG YABANG OH! IBINIGAY LAHAT SA ATIN! " pagbibiro ni Kurt na parang napipikon pikon pa sya.

"GAGO! SA INYO NA IYANG PERA! YUNG TROPHY AT TITULO LANG ANG GUSTO KO! " sabi ko naman sa kanila. totoo naman kasi, kahit kuripot ako. alam ko ang prayoridad ko. gusto ko lang maging champion dahil pangarap ko iyon eh. ito namang trophy, bukod sa ito yung patunay, nangako kasi ako kay PB ko na ipapakita ko ito sa kanya.

"HAHAHA! PABAYAAN NA NATIN ANG CHAMPION, MAYAMAN NA YAN! TARA NA MAG INUMAN!!!! " tapos, tinapik tapik nila ako isa isa atsaka sama samang umalis. Pssh. bahala sila. malalaki na sila nuh. >.>

"HOY IKAW BANSOT?! san mo balak pumunta ha?"

(,~~) ----- (>3<")!!!!

tapos, hila hila ko pabalik si Dickies dun sa may hood niya. akma ba namang susunod sa mga iyon, e inuman at babae ang pagkakaabalahan ng mga iyon eh, hindi pwedeng mainfect ang isip ni bunsoy nuh.

"KUYA NAMAN EEEE!! ANG DAYA DAYA!  " pagrereklamo ni Dickies nung hindi ko sya pinayagang sumama. Pssh. patay ako kay Mama kapag napaano ang bansot na ito nuh.

"Pssh. tumahimik ka nga diyan" nagtatantrums ba naman kasi ang bansot.

"bibilhan na lang kita ng chuckie mamaya." pang aasar ko pa sa kanya kaya naman lalong naglumpasay. haha! punyetang bata toh. kung anu ano ang nalalaman. XD

Skater Boy meets Ballerina Girl! (COMPLETE)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!