Episode 2

6 1 0
                                    


Lian's POV....

Diba sabi nga nila..If there's a will, there's a way. Kaya andito ako ngayon. Nalaman ko kasi na pwede pala hanggang 6pm magpapasok ng audience, eh 5pm naman end ng class namin for today kaya nakapunta pa rin ako. Ang galing talaga. Nakikiayon ang kapalaran na makita ko si Ate Dara. DaraHae...DaraHae...DaraHae...OTP ko yan. Dara of 2ne1 and Dongahe of Super Junior.

So ayun na nga...konting time na lang magsisimula na, nagbibigay na ng rules yung mejo sikat na komedyante eh. Kiray ata yun...ewan basta komedyante sya. Hindi kasi kami nakikinig ng mga kaibigan ko. Masyado kaming busy para makinig. Hindi na naman kami bagohan sa mga ganito. At okupado kami ng mga iniisip namin. Kung ano gagawin at sasabihin namin mamaya para kay Ate Dara. Maka ate parang kapatid uh. Lul. Topic din namin yung bagong kanta ng ka banda ni ate Dara. Si CL. Ganda kasi pakinggan yung Lifted nya. Basta maganda lahat ng kanta basta Kpop ang kumakanta.

Simple and Short. Talagang nilamon lang kami ng sistema ng kpop. Haha. Kaya nga we're expecting na sana lahat ng kalahok dito eh magagaling at talented talaga. Para naman magkaroon kami ng amor sa kanila...Sorry but mataas lang talaga ang standard ng mga kpop fan. Not in a rude way or what but we always compare a certain person or group to our kpop idol. Wala. Yun talaga eh. Sadya man o hindi.

"hoy! Kayo jan, yung may nakapink na cap". Bigla kaming napatigil sa pagtawa ng biglang may umagaw ng atensyon namin.

Pink na cap? ako lang may pink na cap dito uh?. Naisip ko sabay tingin sa stage. Kami pala ang tinutukoy ng komedyanteh.

"Mga ateee~ kasali kayo huh? Baka nakakalimutan nyo nasa taping kayo, wala kayo sa bahay nyo para magchikahan". Sabi ng komedyante na itinawa naman ng lahat. Panong hindi? eh rinig na rinig naka microphone ba naman eh.

Nag thumbs-up ako sabay sigaw. "Yes, we know. We're listening". Kahit hindi naman. Tawanan mga kaibigan ko.

After a minute pa ay nag cue na ang floor director na magsisimula na daw. Isa isa ng lumabas ang mga judges Una si Kuya Aga Mulach. Syempre kahit tumanda na sya gwapo pa rin. Para lang yung dati. Iba talaga ang isang Mr. Aga Mulach. Ngiti pa lang nakakatunaw na, ang swerte ng asawa nya.
Sunod na tinawag si ate Yeng, syempre idol 'to. Yeng Constantino kaya 'to. Sya lang naman ang nagpa sikat ng gwiyomi player or let's say sa lahat ng nag upload ng gwiyomi song yung entry nya lang ang umabot ng milyon views sa youtube. Ang kyut naman talaga kasi.
Ang sumunod na tinawag ay si Sandara Park. Nakuuu naghiyawan lahat. Halos lahat kasi ng audience ay kpop fans. Ang dyosa naman talaga kasi ng taong 'to. Kaya nabansagan na bampira sa kpop world eh. Para kasing hindi tumatanda. Since debut yung mukha ganun parin. Nakakaloka! Imbis na tumanda mas lalo pang bumabata. Yung totoo? May lahi talaga 'tong bampira eh. Magaling lang magtago. Tapos may antidote syang tinutorok sa sarili nya para mag mukha syang normal at hindi matakam sa dugo. Ok over na. Haha.
And last but not the very least. Vice Ganda. Ang phenominal, unkabogable star ng bansa ngayon. Lahat ng gingawa nya nagtetrend. Lahat ng movies nya kumikita ng billion-billion. Album nya may platinum at gold na nagiging craze pa. At syempre hindi mawawala yung sense of fashion nya. Kita mo ngayon, di ko na naman maintindihan suot nya. Kung wala lang akong knows sa fashion lalaitin ko 'to eh. Fashion nya kasi parang pinaghalong Korean at Lady Gaga culture. Meron kaya nun...pasalamat kayo sakin, na educate ko kayo about fashion with Lady Gaga culture.

Pagkatapos tawagin ang lahat ng judges sunod naman pinakilala ang host. Syempre walang iba kundi ang isa sa pinaka magaling mag host sa bansa. International R&B singer Billy Crawford.
Pagkalabas ni Kuya Billy agad ng nagsimula ang laro~ este ang taping. Masyado kasing madami ang sumali kaya kailangan talagang maaga magsimula. Lagari pa naman sila sa tatlong araw na taping at take note, wala na ngang uwian wala pang tulugan. Oh diba? Naloka rin kayo? Pero truelalu yun. Kawawa talaga mga staff. Ambabaho na nga nila eh. Wala rin kasing ligo-ligo..jokeness..

"Magandang gabi mga kapamilya". pagsisimula ni kuya Billy. "Let's welcome our contestant number 1. Tristan Ramirez". Hiyawan ang madlang girls. Paano ang gwapo kasi nung Tristan tapos matangkad, macho at yummy. Ayy. Jokeness ulet. Di sya yummy, maasim sya. Pawisan kaya, baskil pa sya. Pero in all fairness skinless my dating, magaling sumayaw at charming. Feeling ko...feeling ko lang huh?... Kami magkakatuluyan nito. hahaha. last na po 'to.

"Bes, labas tayo. Nauuhaw ako eh, kanina pa tayo nakatayo dito", reklamo ko kay Rinna. Buti naman at kahit rolling deep yung camera eh nakalabas pa rin kami. Dali-Dali agad akong pumunta sa water despenser para sumalin ng tubig sa maliit na cup. Si Rinna naman ay nagkape. Tapang din nito eh. Kape sa mainit na panahon? Brave.

Pagkatapos kung magsalin ng tubig ay agad kong kinuha ang cup at bigla-biglang nag turn right. Ang buong akala ko ay si Rinna ang nasa likod ko kaya mabilisan akong humarap para sana sabihing mamaya na kami pumasok ulit. Only to find out that it wasn't her. So i bumped the cup of water onto someone's chest. Sa madaling salita sabon nalang bes papaliguan ko na'to. "sorry po, sorry po, sorry po talaga". Hinging paumanhin ko. Nakakahiya mga bes. A total disaster ang lola nyo. Nakatingin pa mga tao sa paligid. Kaloka!!!

"It's ok". Sabi ng lalaki sabay pagpag ng damit nya. As if matutuyo naman agad. Bopols neto, my panyo hindi ginamit. Buti nalang tanga. Joke!. "I'll just change clothes later". Aba! My accent pa. Englisin ko rin kaya? Top 1 kaya ako sa englis. Tsk. "I'm really sorry, i didn't mean to splashed water on your shirt". He flash a smile. "Not really a problem, maybe i'll change clothes now. Baka hanap na rin ako sa dressing room, see you around". He just waved and run inside.

"Sino yun?" tanong ni Rinna. Sa ilang segundong moment ko sa lalaking yun, bigla naman nawala sa eksena si Rinna. Baka nalunod sya ng kape nya. "Abah! Malay ko sa taong yun." Kumuha ulet ako ng tubig. "Eh bakit basa sya?". Tanong nya ulet. "Pinaliguan ko ng isang cup ng tubig, mainit daw eh. My sabon ka ba? Ihahabol ko sa kanya, baka nagbanlaw na yun". Seryoso kong sabi sabay inom ng tubig. Si Rinna naman tiningan lang ako ng masama. Oh edi naloka rin sya.

Lumakad kami malapit sa may upuan habang nakatawa. Natawa kami sa pinaggagawa namin. Pagka upo agad ko naman naalala si mamang sorbetero. Curious tuloy ako sa mamang sorbetero~ este englisero na yun. Bakit sya andito? Para manuod ba? Diba bawal boys? At bakit my dressing room? Artista lang? Pero hindi ko pa sya nakikita ever. Hello~ simula magka-isip kaya ako kapamilya channel na ako. Kung sa Kpop pa SM baby ako. Ganuuurn....ahh baka pamilya ng contestant... O sya mismo sasali?? Nang dahil sa isipin na yun...dali-dali ko ng hinatak papasok si Rinna. Kailangan ko mapanuod ang audition piece nya... Kailangan ko sya makilala.. Kasehodang sa loob na magkape si Rinna kahit bawal pagkain sa loob....

------
------

My Kind Of a Man
Written by: heebby32

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 12, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Kind Of ManWhere stories live. Discover now