Episode 1.

10 1 0
                                    

Ayyyyyyt!!!!
Wala lang hahaha...
actually dapat si Ate Dara at Ate Yeng, VG and AM lang yun eh. Pero bakit pati sya?
i kent na diz!!! ㅋㅋㅋ lol.

Ang inyo po'ng mababasa ay puro kathang isip lamang at hindi hango sa tunay na pangyayari (Except for the name of places, things, persons lol). The idea of this story is purely fictional. Please be guided. Thank You!.

---

"Whooooooot???" eksaherada kong sigaw sa kwarto ko.

Pano ba naman hindi ako mapapasigaw eh meron daw taping ng bagong show sa TV dito lang malapit sa'min. Sa tingin mo ikaw hindi rin mapapasigaw o magugulat?

Taena diz lang, hindi lang dun ako nagulat eh. Ang mas nakaka gulat dun is yung mga magiging judges. Bigatin mga bes! bigtime mga apat na kilo. Hayooop!.

Piniim kasi ako ng friend kong si Rinna, may bago daw variety show ang ABS-CBN isa sa pinaka malaking TV network sa bansa ang La Banda. Bali Search sya for the next or maybe the first Boyband group in the Philippines. Kasi diba puro mga singer at dancer lang tayo dito. Para syang pang korean. Boyband din.

So ayun na nga, i asked her what is it all about kasi diba nga shunga ako, ay hindi, mali pala. Wala pala akong idea, ganun. Idea kasi yung right term dun. Shunga ka!.
Sabi nya basta daw Judge si Yeng, Dara, Vice at Aga. Isa din 'tong shunga. Wala rin alam. Nyahaha..
but me is like "whoooot?? talaga?? kelan to??". Oh diba? excited agad.
Syempre Pop star Princess Yeng Constantino yun mga bes, Original Hearthrob Aga Mulach. International Kpop star Dara Park at Unkabogable Vice Ganda. Mga idol to bes!! Rak na diz!!.

Kaya ngayon antay pa rin ako ng reply nya, tagal eh. one letter per minute 'to mga bes!. rak!. Tanong ko kasi kung kailan magsisimula kasi talaga for sure pupunta ako kapag weekend. May klase kasi ako ng weekdays eh.

Biglang tumunog yung beep alarm ng messenger ko. Atlast nagreply din sya.

"Monday. 1pm."

Anooooo? Mondayyyyy? pano yan may klase ako?

"Uyyy, bakit lunes? wala bang sabado? o kahit Friday?".

Reply ko. Kahit alam ko na man ang sagot nya ay nagbabasakali pa rin ako. Malay ko bang baka nagkamali lang sya ng information.

"Tange! ako ba director? Producer? at writer? ... sabi ng Monday eh..as in bukas na..B.U.K.A.S".

Hala sya oh! O edi bukas. Galit agad? nagtatanong lang.

"Oo na, bukas na".

Kaya ang isip at puso ko ngayon ay nagtatalo ng dapat kung gawin. Pupunta ba ako o ano?. Hanggang sa nakatulugan ko na ang pag.iisip.

Oo guys, sad to say may isip ako kahit shunga!. Nyahaha.

---

Mag aalas-dose na ng tanghali at binabagabag pa rin ang utak ko. I still can't decide kung ano ba talaga. Syempre dapat mag aral ako no, sayang bayad kaya sa school buti sana kung scholar eh hindi naman. Shunga nga kasi. Pero on the other side gusto ko makita si Dara Vice Yeng at Aga.
Enebe nemen ete??? Gulong gulo utak ko.

Hindi naman siguro masama na mag absent kahit one day lang diba? Eh kaso lang three days sila dito. Tatlong araw na sunod sunod na taping. Kaya nagtatalo ang puso't isip ko ngayon. Ano ba talaga? Sign please.

Pero kahit ganun, sinimulan ko pa ring magbihis pang school. Nagbaon na lang ako ng extrang damit incase magbago isip ko o dumating ang sign. Mahirap na kaya ready dapat ako. Hanggang sa umalis na ako ng bahay at papuntang school na.

As usual dahil most punctual ako, ako na naman na una. Nagka klase pa si mam ng pang umagang klase tapos ako andito na. Bigyan ng awards yan.

Kalahating oras pa ako nag hintay at dumating na rin ang iba kong classmates.

"Aga natin uh! ikaw pa lang mag.isa?" Tanong ni Madel. Isa sa mga friends kong baliw. Gaano ka baliw? maya na. Puno pa utak at hindi ako makapag isip ng maayos.

"Ay hindi, mga tatlo kami. Yung isa nga nasa likuran mo eh". Pananakot ko tapos biglang humangin ng malamig.

"Ang creepy mo Lian". Sigaw nya sabay labas. Ako naman tawa lang ng tawa.

Sabi kasi ni mam may mga friends daw sya dito, kaya dahil friendly ako kinaibigan ko na rin. hahahah. Kidding aside. Mukha kasing uulan malamang mahangin nakuuuu. Mapagpaniwala naman kayo.

"Uyy, ano ba gagawin ngayon? Gusto ko sana pumunta sa Muntinlupa eh" Sabi kong nakatingin sa labas ng bintana ng classroom namin.

"Abah! Ewan ko, tanungin mo si Jade baka alam nya". Sagot ni Madel, sabay turo sa paparating na si Jade. Isa din sa mga classmate namin.

"Hala! Bakit ako? Ako ba teacher dito?". Sagot ni Jade sabay tapon ng bag nya sa upuan.

Siga talaga kami dito, hindi students. Nyahahaha.

Sakto naman lumabas si mam,.kasi kakatapos lang ng klase nya.

"Mam ano daw gagawin ngayon sabi ni Lian?".

Ayy, lintik na Madel inunahan pa ako.

"Oo nga mam, may exam po ba ngayon?".

"Bakit? Pupunta kang Muntinlupa no?". Sabi ni mam na nakangiti.

Alam kasi ni mam na Kpop ako at mas alam nyang andun si Dara kaya kung makapag tease lang wagas.

"Opo mam, pwede po ba umabsent? Ngayon lang naman please"...

Lahat sila napatawa sa ginawa ko. Nag pacute lang naman ako at niliitan boses ko. Diba sarap sapakin? Hahaha...

Gusto ko kasi talaga makita sila..Gusting gusto....

----

Guys boto nyo huh? Tapos spread na rin, comment/tag nyo mga friendship nyong baliw sa PBS...hahaha

Pinoy Boyband Superstar
Presents: My Kind of Man.

Written by: Heebby32

My Kind Of ManWhere stories live. Discover now