You are mine (Orion's Belt 1)

106 7 0
                                    

Prologue

"Happily ever after" that was she wished before she sleep. She considered every day as a chance to wish. But what if...


Introduction...

After 7 months...


Ina's POV

"Vicekee!" tawag ko sa aso kong mistula nang nakawala sa kural. Lumapit siya sa isang lalaking nakaupo at may nakasalpak na earphone malamang sa tainga.

"Hello, kunin ko lang 'yung aso."

"'Wag mong dilaan si Kuya, ikaw talaga!" usap ko sa aso ko, si Kuya naman na nakatingin sa aso.

Umalis na din ako dahil tinawag na siya ng isang babae, baka girlfriend niya.

Habang hawak ko ang kadena ng aso ay nag-vibrate yung phone ko.

From Nips:

"Nips, good morning!" Don't forget your breakfast and I know nagjojogging ka ngayon and wag kalimutang i-tie ang sintas ng sapatos. Baka magkasugat ka pa diyan, okay. I love you Nips. :)"

Ay! Oo nga pala, hahaha. Palagi kong nakakalimutang i-tie itong sintas ko. Hindi ko alam, lagi ko lang nakakalimutan. Mabuti na lang nandiyan si Nips para ipaalala sa akin na laging isintas 'to.

To Nips:

Thank you Nips. I love you too :)

Send...

Ito ang morning routine ko. Pagkatapos ng halos magwawalong buwan ay marami nang nagbago, lalo na sa priority ko. Kasama ng aso ko ay nililibot namin ang park. Sinusulit ko na dahil dalawang buwan rin kaming hindi magsasama at ito ang huling araw namin dahil kukunin muna siya ni Zia.


Kinabukasan...

Ngayong araw ay may program sa park. Madalas naman ang iba't-ibang occasion at dito palagi ginaganap. Ito ay booth ng isang sikat na kompanya. "Coffee-Ko In Cans". Narinig kong nagsalita na yung emcee.

Habang tumatakbo ay binigyan ako ng can nung isang staff. Marama-rami din kaming binibigyan.

"Magandang morning sa inyong lahat. DJ Bhea at DJ Danny nga pala bilang host at ngayong araw ay may ipamimigay kaming Coffee-Ko In Cans pero pero syempre kailangan ng kaunting twist 'yan partner." umpisa ni DJ Bhea.

"Oo nga, lahat ng crews at ibang staff ay namimigay na ng Coffee-Ko in cans pero bago mo mabuksan ang Cans, kailangan niyong hanapin ang isa pang soda tab na makakapagbukas ng cans na hawak niyo. Halimbawa, itong hawak kong Can ay mabubuksan lamang sa pamamagitan ng isa pang Can na hawak ngayon ni partner." magiliw na banggit ni DJ Danny.

"Kung sino ang unang makapagdadala ng partner can ay siyang makakakuha ng prize." si DJ Bhea.

Patuloy pa rin sa sila pagbibigay ng cans hanggang sa nabigyan na nila ang lahat. Marami-rami din ang tao sa parke kaya parang ang hirap namang hanapin nung partner can.

Nang mag-umpisa ay kanya kanyang pagdikit ng lata ang ginagawa nila. Bawal K.J! Nagulat na nga lang ako dahil ang daming lumapit sa akin pero hindi naman ayun yung partner.

Takbo doon, dikit dito, lipat sa kabila, baka sakali sa kanan.

Tumakbo na lang ako ng tumakbo. Almost 200 or sobra pa nga yung tao dito sa park, goodluck na lang sa kanila kung magkakitaan sila.

Orion's Belt  Where stories live. Discover now