ROLE PLAY

145 9 1
                                    

"Anong malay ng walang malay?" makahulugang sabi ng nurse bago tumikhim.

"I mean, oras na po ng pag-inom ng gamot."

Tanging pagtango na lang ang naisagot namin. Ang layo naman 'nun.

Wait.

Anong malay ng walang malay?

Tama! Anong malay ko e tulog nga ako. Si Rence, kailangan ko siyang makausap. Bahagya akong bumangon pero hindi natuloy dahil sa ang sakit na nung likod ko.

"Benj, ano bang ginagawa mo? Mamaya bumuka pa yang mga sugat mo e." inis na saway ni Ate.

"Si Rence, ba't ba siya umalis? Ano bang nangyari?"

"Malay namin, ikaw lang naman nakakaalam ng panaginip mo di'ba. Ano ba kasing napanaginipan mo?" sabi ni Karla. Sumagot si Yeng.

"Oo nga, yung girl na sinabi mo sa amin. Kanina kasi, narinig ko...

"Kamusta na si Benj? Sino yung mga gagong bumato sa kanya ng bubog. Tang ina nila." galit at nag-aalalang wika ni Rence.

"Benj, mga lasing kasi sila. Kahit naman kami, naiinis kasi nasira nila yung kasal tapos nandamay pa sila ng inosen--" ani Karla.

"Kahit na! Nasaan ba yung mga gagong 'yon?" galit pa ring baling ni Rence.

"Rence relax, minor injury lang naman raw sabi ni Doc--" si Karla.

"Yun na nga e, paano kung mas malala pa 'don yung nangyari. Ano na??" gitgit ang ngipin nitong tugon.

"Ina, Ina. Mahal na mahal kita. Please Ina. Huwag mo kong iwan." humahagulgol si Benj habang natutulog.

"Gising na ata siya." ani Aliz.

"Ina, please. Gumising ka naman. Hindi ko kayang wala ka." mahinahon ngunit umiiyak pa ring sabi nito habang nakapikit.

"Uy sino si Ina. Siya ba yung babaeng sinasabi niya sa atin, yung napapanaginipan niya daw." walang pag-aalangang tugon ni Brozy at sarap na sarap sa kinakaing prutas. Walang nakuhang sagot si Brozy, tanging mapagbantang tingin lang ang iginawad nina Karla at Yeng sa kanya.

Orion's Belt  Where stories live. Discover now