Isa kang Bituin

89 10 0
                                    


"Nips, bakit?" tanong ko sa kanya.

"Si Ama 'yon di'ba?" tanong niya.


"Oo, yung nabato ko nung isang araw sa park tapos nahimatay." sagot ko naman.


"Saan kayo galing?" tanong ulit niya. Reporter na pala siya, hindi naman ako na-inform.


"Sa kanila." sagot ko. Mas sumalubong yung kilay niya.


"Sa bahay nila? As in sa mismong sa bahay nila. Ano namang ginawa mo 'dun, anong oras na a. Bakit hindi man lang nagsabi? Parang wala kang boyfriend na nag-aalala sa'yo dito. Kahit text man lang wala!" sunod-sunod niyang sabi. Natatawa naman ako, sobrang concern ang lolo ko.


"Nips, chillax! Aysh. Masyado kang masungit e. Ganito."


"Niyaya niya ako kumain 'dun sa gotohan tapos sumama ako. Tapos nagkasugat ako kasi nalaglag ako sa manhole. Ito o, nilinis ko lang ito 'dun sa bahay nila. Okay na ba?" kwento ko sa kanya habang pinapakita ko yung tuhod ko. OuchMuch!


"Ba't ka sumama? Kilala mo ba 'yun? Tsaka tingnan mo yung tuhod mo. Anong nangyari diyan, hindi ka na naman nag-iingat. Dapat talaga palagi akong nasa tabi mo e, kung pwede lang na pabayaan ko yung business ko. Ginawa ko na para mabantayan ka lang. " sabi niya sabay luhod at inuusisa ang tuhod ko. Parang shunga 'to, sasama ba ako kung hindi ko kilala 'yon. Pero ang sweet 'nun.


"Oo, si Ama. Mabait nam-"


"Kahit na, hindi ka pa rin sigurado. 'Wag ka ngang kung kani-kanino lumalapit." sabi niya tapos tumayo na siya, halata ring galit na siya.


"Bakit ba? Anong problema mo?"


"Sa akin ka lang pwedeng umangkas sa motor." sabi niya.


Tapos hinawakan niya yung kamay ko at hinatid ako sa loob ng bahay. Ang gulo talaga nito, kanina halos mag-apoy na tapos ngayon naman parang ang saya na ulit. Bipolar talaga!


Hindi na ako nagsalita, pero mas nanahimik ako nang makita ko yung buong bahay. Puro red rose petals yung sahig, may candles na nakaform as heart shape, tapos may 'dun na...














"Happy Anniversary Nips."


















Shit!? Oo nga pala, ano ba 'yan? Bakit ko nakalimutan na 1 year na namin ngayon. Bakit hindi ko man lang alam. Ina, nakakainis ka. Aysssh!

"Happy Anniversary Nips." malambing niyang sabi sa akin sabay abot ng bulaklak. Napangiti ako, ang sweet naman kasi. Ene be 'yern! Hende eke ne-enferm!

Orion's Belt  Where stories live. Discover now