HEAVEN

132 9 0
                                    

Nandito ako... sa motor ko at on the way na sa simbahan. Nakaramdam ako ng saya at galak para sa aking kaibigan na si Ted. Hindi ko namalayan, maaari palang magbago ng biglaan ang lahat. Parang kahapon, babaero itong si Ted pero ngayon, babaero pero sa iisang babae lang.


Nandito ako... sa lugar na sa pabirong salita ay sinisisi ko sa pagkawala at pagbaba ng porsyento ng mineral sa Pilipinas. Especially, ginto.

Nandito ako sa lugar kung sa prangkang dahilan, ay dinaig pa ang presyo ng paninda sa Canteen. E kasi nga, ginto.

Nandito ako... sa pambansang tambayan ng masa at... sa lugar kung saan nagsasama sama ang mga pinaghihintay at pinapaasa.

Nandito ako ngayon sa 7/11. Nasiraan ako kahapon ng sasakyan kaya nagpasundo na lang ako kay Tian. Hindi ko pa napapagawa 'yung kotse tapos may lakad raw sina Mama ngayon kaya wala si Mang Vic.

Maya maya din ay dumating na siya kaya lumabas na ako. Nang iluwa na ako ng pinto ay siya ring pagluwa ng mga mata ng mga talendot na babae dito. Irit dito, sigaw doon. Yung isa pa nga parang pinurga sa pagkakapilit ng katawan. Yung isa, nagpapatulak pa palabas at may hawak pang camera at malamang magpapapicture.

Napakunot ang noo ko sa inakto nila, tila nagtataka. Paglingon ko ay nasa labas si Christian at nakasandal sa kotse niya. Nakasalamin, black tokong and stripes polo.

Kaya naman pala.

"Naks, heartthrob. Baka sambahin ka ng mga 'yan." sabi ko sa kanya.

"Wala e. Gwapo tal---." hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang makaramdam ako ng isang makapangyarihang... tulak mula sa likod ko. Nawala ang balanse ko at napalayo sa sasakyan dahil sa pagtutulakan nila. Wow, powerful siya. Grabe ang pagkakadumog nila kay Christian, pero wala pa ito sa tulak ng babae sa akin. Alam niyo yung napunta sa dibdib 'yung spinal cord ko.

Sa lahat ng pagkakandarapa ng mga babaeng maharot ay tanging pagngiti lang ang isinusukli ni Christian. Tuwang tuwa pa ang mokong dahil pinagkakaguluhan siya.

"Waaaahhh! Kuya, ang pogi niyo po!! Papicture. Waaaaahhhh!" sabi ng isang babae with matching head bang pa.

"Ano ba? Ba't niyo pinagkakaguluhan ang asawa ko." sabi ng isang babae sabay nagsplit.

Kabugerang tunay.

"Ano ba, ex ko siya at babalikan niya ako kaya siya nandito. Mga haliparot kayo!" sabi ng... akala ko ay babae pero hindi rin lalaki. Isang bakla. Pagkasabi ay dinampi niya ang kanyang labi sa pisngi ni Tian.

Dakilang Bakla.

Biglang lumabas ang isang lalaki at biglang nakipagkamay kay Tian. Hindi pa siya nagsasalita ay nagtakip na ng ilong ang mga kasamahan niya.

"Oh Brad! Kamusta na." wika nito sa lalaking paraan. Pagkatapos ay isang marahang suntok sa dibdib at tiyan ni Tian.

MabaHOKAGENG Malupet.

"HINDDDDEEEEEE!" sigaw ng isang babae sa... bubong ng kotse ni Tian. Talagang hindi magpapakabog at biglang nagbending, scorpion, twerk, trumpets at nagsplit in left, right and front.

Siya na ang nagwagi. Siya na ang may hawak ng korona at sash na ang title ay...

Ang Tunay na Diyosa sa Facebook.

Talaga naman, hindi na ako magtataka kung isang araw ay may relihiyon at rebulto na itong si Christian. Grabe luhuran ng mga babae. Todo papicture, halik, yakap, video greet, autograph at arboran silang lahat.

Ako naman na iniinda pa din ang pagkakahiwalay ng kaluluwa ko sa katawan ko. Ang lakas talaga ng tulak ng babaeng 'yon sa akin, kasing lakas ng amoy ng hokageng mabahong tropa niya.

Orion's Belt  Kde žijí příběhy. Začni objevovat