HELLO

516 14 0
                                    

Nasa isang bar sa Quezon City ang bandang The Fourteen upang umawit. Si Ama Benjamin Viceral ang bokalista at drummer ng grupo, si Teddy R. King sa electric guitar, Jugs Copo bilang guitarist, Nyoy Bulate bilang bass guitarist at Yeng Yo, Karla at Brozy bilang second voice. Magaling na banda ang The Fourteen. Katunayan ay madalas silang gine-guest para kumanta sa isang show, school events at bars. Hindi gaanong sikat ang banda sapagkat sila ay nag- uumpisa pa lamang. Pagkatapos nilang kantahin ang mga requested songs ay kaagad na silang naupo sa isang couch.

"Pareng Teddy, balita ko nililigawan mo si Jas ah, one week mo pa lang nakilala 'yon. Bilib talaga ako sa'yo pagdating sa chicks, kayo na ba?" umpisa ni Jugs

"Wala eh, mukhang tinamaan si Ted. Seryoso ka na ba d'yan? Baka gaguhan na naman 'yan." pang-aasar ni Nyoy.

"Oo nga, tsaka kilalanin mo muna naman. Hindi ba uso sa inyo yung "Getting-to-know-each-other thingy". Kung makapaglaro ka ng babae, parang hindi ka lumaking may nanay. Try mo kayang magseryoso." bagamat pabiro ngunit seryoso ang pahayag ni Yeng.

"Guys, alam ko naman kung bakit ganito yung mga sinasabi n'yo sa akin. Mga loko kayo." sabi ni Ted.

"So, liligawan mo ba o naligawan mo na?" tila nang-iinis na sabi ni Brozy.

"Guys! Iba ito. Si Jas yung babaeng hindi dapat binibitawan o pinapakawalan. Siya yung babaeng pangseryosohan at hindi panglokohan. Hindi naman nasusukat ang pagmamahal base sa tagal niyong magkakilala, kasi kikilalanin ko siya habambuhay, at hindi rin siya pangmatagalan... kasi panglifetime." sinserong sagot ni Ted habang may ngiti sa labi.

Napanatag naman sila sa sinabi ng kaibigan at napagpasyahang susuportohan na lamang nila ito. Kung may maitutulong raw sila sa panliligaw ay ayos na ayos lamang sa kanila. Sa gitna ng asaran, kwentuhan at inuman ay napansin nilang tahimik lamang sa isang tabi ang kaibigan nilang si Benj habang nagcecellphone.

"Hoy Benj! Try mo maki-join sa amin. Panis na 'yang laway mo. Landi ng landi e, si boyfriend ba 'yan?" sigaw ni Karla sa pag-aakalang hindi maririnig ni Benj dahil sa ingay ng musika. Kaagad naman siyang naibato ni Benj ay (kaya ba niya si Karla) nabato ni Benj ng tissue. Lumapit siya sa tabi ni Karla.

"Huwag ka ngang maingay, mamaya may makarinig sa'yo. Naku! Lilitsunin talaga kita." nanggigitil na bulong ni Benj.

"Oo na, bakit kasi hindi mo pa maamin-amin sa tatay mo na bakla ka? Mahirap 'yang nagpapanggap ka kahit marami na ang nakakaamoy sa'yo."

"E, okay na itong sitwasyon ko. Hangga't nahahandle ko, kaya ko. Malaki ang expectations sa akin ni Tatay. Kailangan ko munang may mapatunayan bago ako bumigay. Alam mo namang lahat na lang ng kapatid kong lalaki ay naging bakla, but I'm not denying my gay side. Yes, I'm gay. But not just a gay." depensa ni Benj.

"Ikaw naman kasi, kung mas inatupag mo 'yang pag-aaral mo kaysa gay pageant. Edi professional ka sana ngayon."

Magsasalita pa sana si Benj nang biglang may tumawag sa kanyang phone. Agad niya itong sinagot.

"Hello!" pabaklang sagot nito.

"Ay! Wrong number pala. Sorry." sagot nito mula sa kabilang linya. Boses babae at may maririnig na hagikhikan.

"Kung wala kayong maga--"

"Toot...toootooot." putol ng kabilang linya.

"Kaloka!"

"Bakit sino ba 'yan?" tanong ni Teddy.

"Ewan, napagtripan ako. Sige, una na ako. Jorlog na din ako. Hoy! Jugs, Ted at Nyoy. Hatid niyo itong mga merlat na ito. Baka kung saan pa magsuot yan." utos nito sa mga nabanggit.

Orion's Belt  Where stories live. Discover now