Chapter 40- italy (part 1)

903 29 1
                                    

Kevin's pov

"Hey,lovebirds. Andito na tayo ,ayaw niyo naman atang maiwan dito"

Napadilat ako sa nagsalita, si alyssa pala. Napatingin ako sa katabi ko, aba tulog . ginising ko na lang baka pagising nito hindi na ko mahal nito, hindi pwede yun mamahalin ko pa to.

"rica, gising andito na tayo"

Napadilat siya ng mata. Bat kaya ang ganda niya pa rin kahit matulog o magising siya. Hindi siya yung tipong may muta pa. Buti na lang gwapo na ko at Gwapo pa din.

Pagkababa namin maaliwalas talaga. Kaya feel mo na welcome ka talaga.

"wahhhh, ang ganda" sabi ni rica. Halatang amaze siya.

Napangiti ako sa ginawa niya para siyang bata "mas maganda ka pa jan.... Lets go na" sabay lakad ko pauna. Alam ko magyayabang lang yung babaeng yun eh. Hahaha

***
"huwahh"

"kyahhh"

"woowww"

Napangiti na lang kami sa tatlong babae na ito. Hinatid muna namin sila sa kwarto nila nasa hotel kami ngayon and sa kabila yung kwarto namin. May respeto pa rin kami nuh.

"baby blue, para kayong bata" matawa-tawang sabi ni jake kay trixie.

"sorry ah, kasi first time mag out of the country. Di tulad niyo na isang pitik lang nasa ibang bansa na kayo. Sorry talaga ah" madiing sabi ni trixie, mukhang nagulat si jake sa salita ni trix. Well girlfriend eh di yan sanay na ganyan ang attitude ni trix.

"sya sya, bahala ka na jan jake. Kabisado mo naman dito diba, bye na baka tumalon na si rica sa balcony" sabay hila ko kay rica, kunting kunti na lang talaga eh, makakalangoy na siya sa hangin. Magara dito may balcony every unit sa hotel na to.

"wait lang kevin. Nahihingal ako"

Ting

Pagkatunog ng elevator pumasok na kami. Buti wala nang mga tao. Mahahalata mo talagang hingal na hingal si rica sino hindi ang layo kaya ng elevator sa unit na pinabook namin.

"g-gusto mo bang maging runner? *puff*"

Napangiti na lang ako. She never fails to make me smile kahit napakababaw lang ng ginawa niya. Ito talaga nagagawa ng inlove uli.

Ting

"lets go"

Hindi ko na siya hinila. Baka batukan pa ako nito eh. Baka lumanding pa sa gwapo kong mukha. Tsk tsk iiyak yung mga babae for sure.

Pagkalabas pa lang namin ng hotel, itong kasama ko parang gusto nang tumakbo. Hay, bat ko kaya to nagustuhan?

"punta tayo sa verona, Kung saan sila romeo and juliet" sabi niya habang hinihila yung laylayan ng shirt ko. Isip-bata.

"last na natin yun. Kung paborito mo yun. May kasabihan nga. "save the best for the last" kaya last na natin yun punta muna tayo sa grand canal venice"

Sabay hila ko. Should I text the twin? Tsk. Wag na nga isip bata na nga kasama ko iisipin ko pa sila. Hmm, sabagay nakapunta na kami dito so di kami maliligaw.

***
"wow, ang ganda dito. Daming mga bangka. Tingin mo gaano kalalim yung tubig na to nuh? May mga isda kaya dito?"

Isip bata mode. Ang dami niyang mga tanung di ko sinasagot paano pag tapos nang unang tanung niya may follow up na kasunod. Pwede na nga siyang maging reporter sa sobrang bilis magtanung.

Puzzle pieceWhere stories live. Discover now