chapter 19-Girl bonding

1.5K 63 0
                                    

Trixie's pov

Andito kami sa bahay ni rica wala naman dito magulang nya at kuya nya kaya dito na lang .

"Miss ko na to yung tayong tatlo lang pero mas masaya pag andito sya"-alyssa

"Aly, alam mo namang ayaw nya malungkot tayo. Maiba nga tayo rica pansin ko nagiging mabait na si kevin ah"-ako

"Haist, ewan ko, nakakakilabot sya promise bigla biglang nagbabago"-rica

"Talaga at alam nyo ba bhe, jusko kilig na kilig yung mga babae pati yung manhater na si clarence. Ay patay na patay kay kevin"-alyssa, di naman siya chismosa nuh hindi naman halata.

"Ewan ko dun tsk"-rica

Atleast di na si rica nambabara . Tho at times pero bihira na, mas ok na yun kesa tumaas pa yung dugo ko sa inis pag ako binabara niyan.

"eh ikaw, aly? kamusta na kayo ni xavier!?"-rica

Bigla namang nagulat si aly pero maya maya namula na. Naku, ang bilis talaga nito magkagusto sa totoo lang tipong hindi na sinasabi sa amin yung nararamdaman niya basta go gusto na niya.

"Ayun ganun pa rin naman"- mahiya hiyang sabi aly

"wag kang pabebe aly"-prangkang sabi ni rica .ahahahah lagi naman eh

"ehhh,ano naman sasabihin ko na crush ko sya? Ay mali...na mahal ko sya? Nalilito pa rin kasi ako eh magulo pa kung baga loading palang mga 25% palang yung utak ko"-alyssa

"kay james ka na lang"-rica

"ayoko...di ko kasi sya gusto eh....hay, alam ko naman na wala na talaga syang pag asa sa akin"-alyssa, too much confident girl ah haha.

"takte,parang ang haba ng buhok mo ah makawalang pag asa kala mo dyosa jusko po lord"

Napatingin kami kung sino nagsalita.. At si patrick yun

"huy,bakla kamusta yung habulan? Nakahalik ba? ay kiss ko"-rica sabay open arms

"Yuck,ew,no ..duh sa ganda kong ito hahalikan ng mga babae ew no way at ew din sayo ..eh kung sila papa kevin,papa xavier at papa jake aba pwedeng pwede . Pwede na ngang inext level eh"-patrick

"Ew,kadiri ka patrick. Nahawa ka na sa kamanyakan ni dylan. Layas ka na nga. Girl bonding namin to nuh pero pwede nang solo time natin if you want"-pang-aakit ko saying lahi nito nuh haha.

"huy,tingin nyo sa akin di babae?"-patrick

"OO!"-Kami

"aray,mga bruha kayo makalayas na grabe hmph."-at tuluyan na syang umalis pinigilan na nga namin eh keso solo time daw nila kaya tumakbo tuloy siya.

Nagkatinginan kaming tatlo at bigla na lang kaming tumawa. Masanay na kayo ganito talaga kami mga dakilang mga baliw.:-D

"mabalik nga tayo. Huy,trixie LQ ata kayo ni jake ah. Kala ko ba pretend lang?"-rica

"ewan,ang gulo nga rin eh"-ako. Promise ang gulo di ko kasi magets si jake chaka yung mga pakulo nya at mga iniisip nya.

"eh baka iba na ang tingin ni jake sayo,like him"-rica

Na gets ko yung sinasabi ni rica sa him. Ok i'll tell you all but di ko sasabihin ang name. Ayoko pang malaman ang name nya dahil ....basta

Itago na lang natin sa pangalang migs. Ex-boyfriend ko nung high school days . Si migs ay dating manliligaw ni rica. Yun pala nahulog ang loob nya sa akin ewan. We used to be like me and jake. Pretend lang pero yun pala para sa akin pretend lang pero para sa kanya totoo talaga he even introduced me in his parents then I started to like him nung nag-kagusto siya sa iba like whut bruh pero matagal na yun sya tama na magmukha pa akong timang noon.

Narinig namin na tumunog phone ni rica at for sure si kevin yun why? Ang tapang mag salita ni rica eh.

"oh,problema mo? Pwede ba tantanan mo ko...No,ano ako chapiron?.......ulol"-pagkasabi nya ng ulol bigla na lang nya pinatay ang phone nya.

"kevin?"-alyssa

"beats me"-bored na sabi nya

"problem?"-ako

"psh"-rica

"hahaha"-me and alyssa

Ang weird namin nuh? Ang kukunti lang ng sagot at tanung namin pero gets na namin. Syempre sa tagal na naming magkakaibigan at mag kakasama kaya saulo na namin yung mga ugali at gawa ng isa't isa.

"uy, aly,trix. Pansin nyo ba si erich? Nag away ata sila ni kris eh"-hindi din naman to chismosa nuh hahah.

"oo nga eh pero much better hayaan na natin sila, magsasalita din sila sa atin pag gusto nila"-aly. Di kasi ako expert sa mga advice sila aly at rica lang ang marunong.

"uy,may grahams ako . Bili na kayo 3 pesos lang pero dahil andito kayo sa bahay......... 4 pesos na lang para sa inyo"-rica

Sinamaan na lang namin sya ng tingin. Sira talaga to.

"manlibre ka naman oh"-aly

"huy,pag ako naging presidente ng bansa bibigyan ko kayo ng tig iisang graham, isa lang ah? Mga abuso kayo"-rica

Natawa na lang kami sa sinabi nya. Well rica is still rica ang ever joker and serious rica hahh .Nagring na naman yung phone ni rica at inis na sinagot nya ito.

"ano ba!?.........psh putek oo na"-rica

"guys,una na ako ah.. Papatayin ko pa si kevin.. Bye"-pagkasabi nya nun,lumabas na sya at naiwan kami ni aly.

"Mukhang di na sya affected kay moler ah"-aly.

"di naman moler totoo nyang pangalan diba? Ano nga uli yun?"-ako

"si warren"-aly.

"layo ng pangalan ah... Pero oo nga pansin ko baka may dahilan si kevin kaya nakalimutan nya na si moler"-ako

"huh!? Eh wala naman binanggit si rica kay kevin about kay moler ah"-aly

"ewan ko ,lika na sa sala mangealam tayo ng tv ahaha wala naman si kuya rico chaka payag din sila tito at tita"-ako

Tumango na lang kami at saka bumaba well,ganito kami mag usap medyo walang sense -_-" kung meron well good for you hahahaha. Sya gonna go.

Puzzle pieceWhere stories live. Discover now