Chapter 39

912 35 0
                                    

"Ayieeeee sabi na eh confession na nangyayari eh. Wahhh bakla, team zenjean ako"

Hindi naman sila masaya nuh? Hindi syempre, ano ka ba rica kj lang?

"yeah right sigawang confession"-bored na sabi ko.

Isang linggo na nangyari yung sigawan na yun at isang linggo nang nanliligaw si kevin pero minsan nagiging cold parin sya. Hindi parin siya nag oopen sa akin, alam mo yung mas moody pa siya sa babae? Piling ko nga ako yung lalake eh nagkatawang babae lang.

"at least bhe,magiging kayo pero saglit muna. Ah alam ko na bakit masaya ka nung nakaraang linggo. Dahil ba dun?"

Tumango ako, hala kilig naman tong dalawang to. Ok lang cute naman nila eh hahahaha. May naramdaman akong vibrate kaya hinanap ko yung cellphone ko, nung manahanap ko na tumambad ang pangalan ni kevin. Speaking.

From:kevin

    alam mo nakakainis ka

hala, anong nangyari sa lalaking to? Napakunot naman yung noo ko, gusto ata nito nang away eh. Magtatype sana ako nung magreply sya

From:kevin

    Nakakainis ka kasi.... Sobra kitang mahal hahaha

"jusko po lord mahabagin. Kunting oras lang pwede ang keso niyo myghad"-maarteng sabi ni alyssa kunwari pa siyang nagpapaypay gamit yung kamay niya.

"wag ka nga aly, parang hindi kayo ni xavier ah"-dugtong naman ni trixie

"hiya naman ako sa inyo nuh? grabe"

suko na ako sa dalawang ito,lagi na lang silang ganyan hahahaha

"siya tama na yan"awat ko sa kanila.

Baka hindi sila tumigil kakabuka nang bigbig at walang kamatayang asaran.

"inlove ka lang eh"-sabi ni alyssa.

Bakit sa akin na naman napunta kanina lang sa dalawang to tas napasa sa akin

"Galing niyo rin nuh. Uwi na nga kayo. Magpapaalam pa ako kay mama"

***
"Dala mo na ba lahat?"

"Wala ka namang nakalimutan na nuh? Ilista mo na yung mga gamit mo baka may makalimutan ka pa, bilisan mo aba baka naghihintay na sila. Kumain ka dun ah. Siguraduhin lang ni kevin na uuwi kayong buo. Wag magpapalipas ng gabi na hindi kumakain, bilisan mo naman baka naghihintay na siㅡㅡ"

"Oo na ,kumpleto na. MA,PA. ALIS NA PO AKO"

Hindi ko na pinatapos si kuya umalis na ako hindi ko nga alam kung concern sya o gusto nya na talaga akong umalis. Pag ka labas ko pa lang andun na silang lahat. Excited.

"Nagdrama kuya mo nuh"- sarcastic na sabi ni trixie. Sinamaan ko na lang ng tingin.

Kinuha ni kevin ang maleta ko. San kami pupunta? Were going to italy. Like we told you all. Dun ko planong sagutin si kevin. Alam kong mabilis para sa inyo pero hindi niyo lang alam madaming sweet moments niyan.

Una, binigyan nya akong mga letter. Take note MGA. Ang sabi nya since ako DAW si maria clara magiging sinaunang pamamaraan daw kami. Keme.

Pangalawa, Imbes magdate sa labas. Maganda daw sa park which is true lalo na pag gabi. Syempre hinding gabing gabi mahuli pa kami.

Third, Imbes totoong bulaklak, tissue na bulaklak medyo nagtaka nga ako at medyo nainis nung una. Take note uli UNA ang rason niya, ganyan kalinis at kaputi ang pagmamahal ko sayo.

Edi shing, hahaha . Marami pa eh,alangang ikwento ko pa edi naging lola basyang na ako. Let your imagination rule na lang, hindi rated spg ah.

@airport.

Oh diba gara andito na agad sa airport. Hahaha

"Guys, bili muna ako ng maiinom ah"-paalam ni alyssa

"Samahan na kita"-sabi naman ni xavier.

Umupo muna kami sa isang vacant dun, may 1 hour pa bago ang flight namin. Kala kasi namin magtatraffic pero laking himala namin na di traffic. Psh.

"Buti pinayagan ka"panimula ko, alam nyo namang hindi ako sanay na tahimik eh

"They don't have any choice"casual na sabi niya, edi sya na

"Bat naman?"

Napakunot yung noo nya tas tumingin na parang sinasabi na 'are you serious' look, aba ako din tinignan ko rin sya ng 'im damn serious man' look, ginulo nya lang buhok ko, ba yan hirap kayang ayusin buhok ko. Tsk

"Because, I said so"

Edi wow!, piling pa cool tulad nang mga nababasa ko. Umay ah, ang cliché kaya.

"K, fine"

Nginitian nya lang ako tas ginulo ung buhok ko. Bayern kung wala lang kami sa airport at hindi matao baka hinampas ko na yung bag ko sa mukha niya kaya kinurot ko na lang siya, nag ouch naman siya. Ay hurt siya.

"rica, look"

Napatingin ako kay kevin. Nag peace sign sana ako pero binawi ko rin agad. Aba para-paraan tong lalaki na to para picturan ako ah.

*click*

"Tagal naman nila"-inip na sabi niya

"Grabe, 2 minutes pala matagal na tsk tsk"

Sinamaan nya lang ako ng tingin, aba nag sasabi lang naman ako ng totoo ah. Nag tingin tingin na lang ako sa paligid since wala pa naman sila, nakahalumbaba lang ako at si kevin eh pretty umupo, grabe pati ba naman sa airport eh andaming natingin kay kevin, jusmeyo. Dahil inip na ako kakatingin, iginilid ko ulo ko chaka medyo sinandal sa balikat ni kevin, hindi naman siya nagrereklamo nag lalaro siya ng LOL bayern, boys are always be boys.

*click*  *click*

Pagtingin ko si aly at xavier habang hawak ang phone nila

"Pag bilang ko ng lima at hindi nyo tinigil yan wawasakin ko phone,swear. I--- aba huy"

Pambabanta ko alam ko kasing isesend nila sa gc yan at ipaflood nila sa message ko, nakakainis kaya.

"Kaw kasi, lets go"

Paano ba naman di pa nga nag one,eh bigla nang umalis sila, lagi ko kayang gawin yun malay nyo di na sila tambay sa bahay.

***

Nasa loob na rin kami sino pa bang katabi ko edi si kevin dapat si trixie o di kaya si aly, aba nag alburoto ung kambal keso daw ang panget, sapakin ko sila eh.

"Guys, san gusto niyo unang pumunta?" Tanung ni trixie

"Hmm, wala pa kaming maisip eh"- sagot ni xavier

"Magpabook na lang muna tayo saka na natin pag isipan yan" sagot naman ni kevin, kaya bumalik na sila sa kani-kanilang ginagawa.

"Tulog muna ako" sabi ni kevin sa akin, saka pinatong yung ulo niya sa balikat ko

Ano pa bang magagawa ko, kesa makipag-away sa lalaking to hinayaan ko na lang.

Puzzle pieceWhere stories live. Discover now