chapter 27-language

1.5K 64 5
                                    

Trixie's pov

"Wahhh,ayoko talaga nito mamamatay na ako grabe nasa pinas tayo pero yung utak ng mga teacher natin eh nasa ibang bansa sila grabe kung sila kaya yung magkabisado ng lahat nang to and imagine ah Iba't ibang lingwahe. Epic men"-bwesit na sabi ni rica at umiling na lang si kevin sa likod nya. Wala eh totoo naman kasi eh ang hirap imemorize.




May quiz kasi kami ang iququiz eh Japanese, French and korean. Grabe lang talaga kung si rica eh banas na banas na ano pa ako yeah,i love anime pero duh anime lang di lingwahe. Fish tea, bakit pa kasi pinilit nang mga klassmate ko na mag dagdag nang language class. Ayan sabay sabay tayong babagsak!




Si alyssa? Di ko alam wala kasing imikan sila ni xavier at magkalayo na sila nasa harapan ko na sya hay,bat kasi ganun si ...si m-mo ....si ugh si m-mommy, aist ilang parin ako. Oo nga pala, last day na namin mag pretend on. I felt sad.



"bonjour, hello. Peste hello lang may pa bonjour bonjour pa aist kabanas "-wala na sabog na sa inis si rica. Tawa lang kami ng tawa sa kabognutan nya pati yung mga klassmates namin nakikitawa na rin. Paano pag nagfefrence sya or japanese or korean tulad ng sinabi nya ng bonjour eh dinudugtungan nya ng pagkainis hahahaa. Ginugulo lang ni kevin buhok ni rica dahil parang wala syang magagawa sa init ng ulo nito hahahah.



Napatingin ako sa diretsion ni Jake ang tahimik nya lang malamang nag away kasi kami eh. Dahil nga malapit na syang lumaya sa akin marami nang mga babaeng lumalapit sa kanya and worst di tinatanggihan ni jake yun. Bumabalik na naman ang pagiging playboy nya.

Kalat na sa campus na break na kami like duh ni hindi pa nga oras eh, Di ko pa kasi kayang ilet go sya. Napamahal na sya sa akin eh, one time nasaktan ako ng sobra sobra, he saw me



Flasback



Im on my way sa room nang mapadaan ako malapit lang sa room namin, isang babae kilala ko sya isa sya sa mga sikat na cheerleader sa basketball time pero ang mas ikinagulat ko.



Hinalikan sya ni Jake. Parang nagbiyak biyak yung puso ko sa nakita ko. Di ko kasi inexpect yun eh dahil nanghihina ako at durog ang puso nabitawan ko ang mga dala kung libro, ang tanga lang nang libro tumama pa sa paa ko. Napatigil sila at tumingin sa dereksyon ko, nanlaki ang mata ni jake habang yung babae eh parang wala lang at inis. MAINIS KA HIPUKRITA!!



"sorry"sabi ko para akong maiiyak. Nung medyo nakalapit si jake



"trixie"-may pagkaworried tone ang boses ni jake. Ayoko na parang nagkapira piraso na parang abo ng ang puso ko sa sobrang sakit.



Tumayo na agad ako at tumakbo............ Malayo sa kanya at sa libro ko. Patay ako sa librarian nito, teka masakit pala paa syete.



End of flashback

"huy,trixie ihahampas ko na talaga sayo ang librong to"

Napabalik ako sa realidad nagulat ako nung malapit nang ihampas ni rica yung makapal na libro. Grabe nagiging warfreak na sya pero ang cool nya pa rin kaya loves na loves ko yan eh,buti di natuloy dahil hinawakan na ni kevin si rica habang tawa ito ng tawa.

Ayokong tumingin kay jake dahil parang madudurog yung puso ko, kahit na durog na durog na kinakaya ko parin sabi nga ni rica. She's knows me as a stronger woman. Hay sana nga.. Sana nga.

***
"hay,tapos na. Huy mga walang buhay kung klassmates bili na kayo ng grahams tres lang walang tawad ,walang hingi o utang. Utang na loob nyo na lang yung fish teang lingwahe na yan"-sabi ni rica. Grabe talaga sya tawa ng tawa sila. Mas mabuti na yun alam kung pinapagaan ni rica ang atmosphere sa classroom dahil na rin sa hirap ng mga lengwahe.

Puzzle pieceWhere stories live. Discover now