Chapter 32: Insignia

En başından başla
                                    

Hindi ko inaasahan ang mga katagang yon mula kay Venise.

"I'm supposed to hate you. No, I still do. Pero alam ko kung saan o kailan ako titigil sa pagpapakita nito. Lalo na kung alam ko may iba ng maaapektuhan."

Bumaba ang kanyang tingin sa aking katawan. Her expression somewhat soften. Ngunit mabilis lamang ito. Muling bumalik ang kanyang tingin sa aking mukha.

"Your surname says it all." Mariin niyang sinabi. "You are a hunter's daughter. At alam kong alam mo kung sino ka talaga. Yon lamang ang mga gusto kong malaman mo."

Huminga siya ng malalim. Inayos niya ang gusot sa kanyang damit at tumayo ng maayos. She was back to being the sophisticated and graceful Venise.

"Hinding hindi kita mapapatawad kapag sinaktan mo si Zander."

Tumalikod siya at naglakad paalis.

"Wala akong plano bitawan si Zander." Mahinahon kong sinabi.

Tumigil si Venise.

"I'm willing to breach the rules for him."

Lumingon siya sa akin.

"Aasahan ko yan mula sayo." Sinabi niya bago tuluyang lumabas ng mansion.

Nang nawala siya sa paningin ko huminga ako ng malalim. Umupo ako sa isa sa mga lawn chair na nasa garden. Nanghihina ako. Pero alam kong hindi dapat. I knew it all along. Hindi ko lang maamin sa sarili ko. Dahil alam kong maaaring masira ang lahat. But hearing those words in the open made it real. It was not a crippling thought anymore. It was part of my reality. It was  inevitable. I'm a hunter's daughter.

Nang kumalma ako umakyat ako sa aking kwarto. Dumerecho ako sa lumang cabinet at binuksan ang isa sa mga drawer nito. Muli kong nakita ang itim na kahon. Hinawakan ko ito. Bahagyang nanginginig ang aking kamay.

Binuksan ko ito at nakitang muli ang bullet. The bronze metal gleamed. Holding the familiar object seemed foreign to me. Tila maging ako ay napapaso na dito.  Arden. That letter represents my family name. An insignia.

Lahat ng mga  nangyayari ay upang maiwasan na magkaroon ng ugnayan ang dalawang lahi. Hindi ko mapigilan na mag alala sa kayang gawin ng aking pamilya.  Kung magpapatuloy at masusundan ang mga gulong nangyayari maaaring tuluyan itong ikapahamak ng bayan at ni Zander.

This is what the outsider warned me about. Umupo ako sa kama habang hawak ang kahon. I need to do something. Ang outsider. Kailangan ko siyang makausap.

--

Ilang araw ang lumipas nang maalimpungatan ako dahil sa sama ng aking pakiramdam. Bumangon ako mula sa kama at nakaramdam ng panandaliang pagkahilo.

Dumerecho ako sa banyo. Naghilamos ako saka huminga ng malalim. I tried to shake the uncomfortable feeling out of my senses. Hindi ito ang tamang oras para manghina ako.

Matapos magbihis bumaba ako sa sala. Sinadya ko na hwag magpaalam kanino man. Dumerecho ako sa labas at pumasok sa aking sasakyan. Tahimik akong umalis mula sa mansion.

Umaasa ako na natangap niya ang aking mensahe. Gusto kong magkita kami ngayong umaga. Iniwan ko ang sulat sa border kung saan ko siya hinatid noon. Yon ang sinabi niyang lugar na puntahan ko kapag kailangan ko siya.

What I did was a desperate act. Hindi ko din alam kung kailan siya muli mapapadpad sa bayan. Ngunit kailangan ko na siyang makausap. Siya lang ang alam kong makakatulong sa akin sa pagkakataong ito.

Makalipas ang halos isang oras hininto ko ang sasakyan. Naging tahimik ang buong paligid. Tall trees surrounded the side of the road. Halos walang dumadaang sasakyan sa parteng ito ng bayan.

Living with a Half BloodHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin