NI sa hinagap ay hindi niya akalaing kailangan pa pala nilang umakyat ng burol para lang makapunta sa party na sinasabi ni Pearl. Kung pumayag pala kaagad ang kanilang daddy baka kung ano nang nangyari sa kanyang kapatid. Sa nakikita pa naman niya, para itong isolated na lugar. Kapag may ginawang hindi maganda ang grupo ni Arq sa kanyang kapatid o kapag nagkamali ng initiation, baka itapon na lang ang malamig na katawan ni Pearl sa bangin.

Nagtayuan ang mga balahibo niya sa katawan sa naisip na posibilidad.

Nasa ibaba pa lamang sila ng burol ay kapansin-pansin na ang malaking bahay na nasa tuktok dahil sa mga strobe lights na nagpapaliwanag doon. Sino namang matinong tao ang magpapatayo ng bahay na halos nasa kanto na ng isang bangin? Sa mga random pictures sa internet lang niya nakikita ang mga ganong klase ng bahay at hindi niya lubos maisip na talaga palang may taong walang takot ang magpapagawa ng bahay nito malapit sa bangin.

Arq must be really that insane.

Mula sa magarbong entrance gate na mukhang ten minutes pa mula sa napakalaking bahay, kapag nilakad, hanggang sa mismong tapat ng napakalaking bahay ay nakaparada na ang mga magagarang sasakyan. Aakalaing may car show at doon pa lang ay alam na niyang hindi pipitsugin ang mga taong kasali sa sorority.

Is this an Elite Society gathering?

Base sa layo ng entrance gate at sa taas ng kanilang kinalalagyan, sakali mang may dalhin dito kapag initiation at gustong tumakas ay wala ng kawala agad. Naisip niya ang sitwasyon nilang tatlo. Hindi naman siguro sila itatapon sa bangin sakaling mainis sa kanila ang sisterhood na kakaharapin?

°Paano na lang kung murderin kayo? Walang nakakaalam na dito kayo pumunta.°

Humugot siya nang malalim na hininga. "A-alam naman ni Yuan na dito tayo pupunta, di ba?" Paniniguro niya.

Tatango-tango si Andy habang inaayos iparada ang kotse nito. Sa itsura nito mukha namang panatag ito at tila ba hindi nag-iisip ng mga bagay na iniisip niya— na baka hindi na sila makakalabas pa ng buhay sa lugar na pinuntahan.

Nang maayos nito ang pagparada ay pinatay na nito ang makina ng sasakyan. "We're here. Sigurado kang kaya mo?" Kaagad nitong tanong sa kanya.

Nilipat niya ang paningin sa kapatid na tahimik lamang na nakaupo sa backseat. Blangko ang mga mata nitong nakatingin sa kanya subalit halatang natatakot rin.

She lets out a long sigh. "Nandito na tayo, and I have no choice." She voiced out in annoyance.

It takes her several breaths in and out before climbing out of the car.

Pero bago pa siya makababa nang tuluyan, ay pinigilan siya ni Pearl na hindi naman malaman kung anong sasabihin kundi ang simpleng, "Thank you."

"Don't thank me, yet. Wala pa akong nagagawa." Masungit na sagot na lang niya bago tuluyang bumaba.

Bumaba rin sa sasakyan si Andy. Umikot ito papunta sa kinalalagyan niya. "So, this is it. Inside that elegant mansion, lurking an untamed monster. Do you want me to come with you?" Andy offered.

As much as she loves to, she doesn't wanna drag Andy into something that could also make her life miserable. Andy is an incredibly good friend and she doesn't want to implicate her peaceful life because of this. She shakes her head in refusal. "No. I can handle this." She assured with enough conviction, she thought, on her voice.

Andy smiles a little as she taps her shoulder. "Brave, huh? Good luck. Sigaw ka lang, papasok kaagad kami."

Tumaas ang isang sulok ng kanyang kilay. "Sa laki ng mansion na 'yan? Maririnig mo ba ang sigaw ko sakaling kinulong na ako sa isa sa mga kwarto?"

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now