PASASALAMAT!!!

101K 1.2K 23
                                    

Eherrrmmm....  ehmmm... ehmmm..

Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko ngayon medyo marami na akong nasabi sa mga author''s note ko. Kapag ang isang tao na hindi palasalita ay nakapagsulat for sure nagiging madaldal siya sa author's note niya. Hhahahaha... pasensya na pala kayo kung ang daldal ko.

Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng tumangkilik, sumuporta at nagbasa at nagvote sa story ni Sab at ni Raj. Gaya nga ng nauna kong pasasalamat wala sana akong balak na isulat ang lovestory nila, ika nga nila side dish lang pero dahil sa support niyo readers at walang sawa na tumulak sa aking mabuting spirit na magsulat hindi ko ito matatapos. Salamat na rin at christmas vacation kaya mabilis ko itong natapos.

At dahil sa pagtangkilik niyo sa series baka at sa malamang may mga characters na madadagdag dito gaya nalang ni Eugene. The brokenhearted Eugene, hindi pa ako nakapagsulat ng lalaking brokenhearted kaya next project ko ito. Maliban nalang kay Landon at kay Aiden. Habang tumataga pahirap ng pahirap mag-isip ng magandang story line pero kaya ko ito, I have 300+ students na pwede kong pagkunan ng inspirasyon. hahahaha...

Kung alam niyo lang may grade 7 na akong student na may problema na sa lovelife, hahayyy... ang aga nilang namroblema ng ganyan samantalang ako eh noong first year ako ay nanood lang ako ng one piece at naruto at detective conan. AT saka nagcucutting classes para lang maglaro ng patintero... minsan ay napiprincipal's office din ako pero hindi ko naman pinababayaan ang studies ko kaya hindi sila makareklamo sa akin.

Pero sana walang tumulad sa akin sa mga ginagawa ko dati dahil nung naging teacher na ako, masakit pala sa ulo. Karma is a bitch.

Sana balang araw masulat ko naman ang lovestory kong wala dito wala doon.

Thank you ng marami mga readers na walang sawang nagcocomment at nagsesend ng message sa akin. Huwag kayong magsawa at huwag kayong mahiya, wala akong hiya eh. hahaha.. magrereply naman ako kapag napansin ko at nabasa ko na, kung alam niyo lang ang laki kaya ng smile ko kapag napapansin kong may new message at may comment. hehehehehe....

hanggang sa uulitin. Sana magustuhan niyo ang aking New Year's gift sa inyo. And yes, may extra chapters po.

HAPPY NEW YEAR!

Royale Series 3: FINALLY, CAUGHT YOU! (COMPLETED)Where stories live. Discover now