Chapter Seven

121K 2.3K 42
                                    

Chapter Seven

            "Ang tagal naman niyang magpark." Napakamot siya ng kilay ng hindi pa rin dumadating si Raj na nagpark lang ng sasakyan.

            "Look who is here." Napa-igtad siya ng marinig ang boses ng babaeng ayaw sana niyang makita pero dahil nakita na siya nito ay sige, haharapin nalang niya. tiningnan niya si Cheryl who is wearing the same dress she is wearing a while ago. Mabuti nalang at napilit siya ni Raj na magbihis or else magmumukha silang sasayaw ngayong gabing ito. Weird, pati sa sapatos and clutch ay parehas na parehas sila.

            "Oh, hi Cheryl." Bati niya dito. Kasama nito si Calyx na hindi makatingin sa kanya.

            "Looks like nakabuti sa iyo ang magleave. Sana hindi ka nalang sumipot." Ang sarap talagang tahiin ng bibig ng babaeng iyan.

            "Well, as much as I would love to kaso hindi ako pinayagan ni boss. Alam mo naman si Aiden, he really loves my presence. Oh, our presence pala." She smile at her, a cute smile. Cheryl is half Chinese at half pinoy, matangkad ito and slim. Too slim na nagmukha na itong naglalakad na kalansay.

            "Sino ang date mo? Inindian ka siguro no or shall I say wala kang date ngayon." Aba ang bruha gustong magsimula ng away. She look at Calyx who looks at her with unknown emotion on his face.

            "Tama na iyan Cheryl, let's go inside." Pigil nito sa fiancé nito.

            "Bakit ba Calyx? I am waiting for Sabrina to take off her coat and enter the hall, I bet she wants to run now."

            Wait, don't tell me sinadya nitong magkapareho sila ng damit at ng ayos.  "And besides she said she is waiting for her date, gusto kong makita kung anong kacheapan na naman ang naiisip ng babaeng iyan."

            Ang sarap sabunutan ng bruhang ito, ngayon  lang niya natanong sa sarili niya kung ano ang nakain niya at kinaibigan niya ang bruhang Cheryl na iyan.

            "Sabby, you are here na!" isang napakagandang Megan Ysabelle Villaraga ang biglang sumulpot sa pagitan nila.

            "You look gorgeous." Puri niya dito. Katabi nito si Claude na fiancé nito, nagkaayos na kasi ang dalawa mga ilang araw na ang nakakaraan. Bagay na bagay talaga ang dalawang iyan unang beses pa lang niyang makita na magkasama ang dalawa ay alam niyang magkakatuluyan na ang mga ito.

            "I heard you went to RJS to pick your clothes, sana sinabi mo sa akin agad at ng matulungan kita. Lei have latest designs to pick."

            "Raj already did the picking."

            "Oh, I want to see the dress."

            May narinig silang tumikhim, and her damn ex-bestfriend seems like she doesn't want to be neglected.

            "May kaibigan ka na pala." Singit ni bruha.

            Tiningnan ito ni Belle from head to foot and focus on her dress. "Kilala mo Sab?"

            "Yep, my colleages." Sagot niya.

            "Oh, the dress is nice." Puri nito sa suot ni Cheryl nakita niyang napangisi ang dating kaibigan. "Pero hindi bagay sa iyo, nagmumukha kang skeleton na dinamitan." She bit her lips to stop herself from rolling on the floor laughing. Alam niyang napahiya ang bruha sa sinabi ni Belle, she is damn too honest.

Royale Series 3: FINALLY, CAUGHT YOU! (COMPLETED)Where stories live. Discover now