Chapter Six

120K 2.3K 38
                                    

Chapter Six

            NANGINGINIG ang mga kamay niya ng mabasa ang nasa newspaper ng umagang iyon. Isa-isang nagsituluan ang kanyang mga luha habang nakatitig sa larawan ng dalawang tao na nagtraydor sa kanya.

            Salvador-Ramirez engagement.

            Ikakasal na pala talaga sila samantalang last year lang silang dalawa ni Calyx ang nasa newspaper. Galit na pinunit niya ang bahaging iyon ng newspaper at itinapon nalang iyon basta sa kung saan at pinunasan ang kanyang mga luha.

            "Aww!" hiyaw ng kung sino na marahil ay natamaan ng ibinato niyang newspaper. "Bakit ka ba nagkakalat sa bahay ko?"

            "Sh----, sorry." Muntik na naman siyang magcuss. "Hindi ko naman sinasadya." Binuksan nito ang papel at binasa saka tiningnan siya.

            "You know them?" tanong nito sa kanya as he makes his way towards the table.  She nods as an answer. "Bakit mo pinunit?"

            "Wala lang trip kong mamunit ng picture ngayon eh."

            "Wala lang samantalang nakita kitang umiiyak."

            "Napuwing lang ako at natwist ko ang daliri ko ng punitin ko ang lets--- newspaper na iyan."

            "Ah, sinong lolokohin mo?"

            She sigh mukhang wala itong balak na tantanan siya hangga't hindi siya nito napapaamin ng totoo.

            "Wala naman talaga ah, at saka napangitan lang ako sa pictures ng dalawang iyan sa newspaper."

            Muli nitong tiningnan ang newspaper tapos ay napatingin sa kanya. "Is he your ex-fiance?"

            "Hindi." Tanggi niya.

            "Hindi hahaba ng ganyan ang nguso mo kung hindi."

            "Bakit ba ang kulit mo?"       

            "Dahil makulit ka rin sabi nga nila, if you can't beat them join them."

            "Ako pa ngayon ang makulit? Wala ng mas makulit keysa bipolar na gaya mo."

            "Bipolar ka rin naman madaldal pa."

            "Ikaw kaya, bipolar ka na, ikaw pa ang pinaka sa pinaka bipolar sa lahat ng bipolar sa buong mundo."

            Akala niya ay aawayin na naman siya nito kaya nga nagtaka siya ng mapansin na nakatingin lang ito sa kanya with obvious amusement on his eyes. Hayun na naman ang mga ipis sa tiyan niya na nagsiliparan at naglalandian.

            "Bakit?"

            "You are still hurt?"

            "Sino ba ang hindi masasaktan kung ang fiancé mo at ang bestfriend mo ay niloloko ka behind your back for how so many damn years!" naibulalas niya. "Shoot, I didn't mean to cuss."

            "I'll spare you today."  Nakahinga naman siya ng maluwang doon.

            "Sorry if I yell at you."

            "Nahh, it is normal sanay na ako sa iyo." Umingos siya. "So, nasasaktan ka pa nga?"

            Kinapa niya ang sariling dibdib to check if she is still hurting. Yes, she is still hurting dahil hindi naman siya iiyak ng ganoon kung hindi na di ba?

Royale Series 3: FINALLY, CAUGHT YOU! (COMPLETED)Where stories live. Discover now