Chapter Four

123K 2.5K 37
                                    

Chapter Four

            "Hi, Sab. Long time no see." Bati ni Belle sa kanya. She rolled her eyes ng makipagbeso-beso siya nito.              

            "Nagkita tayo kanina." Paalala niya dito.

            "Eh? Really? I forgot." Nakangising wika nito. "So, how are you and Raj?"

            "May ganoon? As in ganoon talaga ang bungad mo sa akin? But since you asked, mare... sabi mo mabait siya? Hindi naman eh, masama ang ugali niya tapos-." Asar, bigla kasing dumating si Rajeev na kasama si Ashley. Galit siya dito, sinabihan lang kasi siya nito na mauna dito for lunch kaya pala dahil kasama nito si Ashley.

            ??? Ano ang nangyayari sa kanya? Bakit siya naiinis sa ideya na hindi siya nito isinama at pina-una pa? wahhh!!! This is really crazy!

            "Mabuti naman at dumating na kayo, super gutom na ako." Lumipat si Belle sa tabi niya, kaya nakaharap na niya si Raj at katabi nito si Ashley. Sila dapat ang magkatabi eh kasi boss niya si Raj... ano naman ang connect? At saka kung titingnan mo ngayon mas bagay tingnan sina Rajeev at si Ashley.

            "I already ordered our foods." Hindi na siya umimik sa sinabi ni Belle, it is really awkward lalo pa at tinitigan siya ng masama ni Rajeev na nasa harap niya habang nag-uusap sina Belle at Ashley. As in walang imikan hanggang sa dumating na ang mga pagkain, she sigh and almost smile when she saw a lot of carrots on her plates. Lahat talaga ng masasarap ay bawal pero walang bawal-bawal sa kanya.

            "I ordered carrots free for you Raj since you hate carrots." Narinig niyang ani ni Belle sa kaharap na lalaki. She got her spoon and fork at tutusok na sana ng carrots ng hilahin ni Rajeev ang plato niya at ipinalit ang plato nito sa kanya.

            "Hey, akin iyan." Angal niya sa ginawa nito.

            "Eat it."

            "Akin iyan." Turo niya sa plato na hawak nito.

            "Bawal sa iyo ang carrots alam mo iyan."

            "Duh, walang bawal sa masarap na pagkain."

            "Isa..." he counted na para bang bata siya.

            "No-."

            "Dalawa." And he gave her that 'patay ka sa akin mamaya' look. Kaya wala siyang nagawa kundi ang tanggapin ang inialok nitong pagkain. Napatingin siya kina Ash at Belle upang humingi ng tulong kaso nagtinginan lang ang dalawa na para bang may alam na hindi niya alam. Arrrggghh! Bakit ba feeling niya may alam ang mga tao sa paligid niya na hindi niya alam?

            "Boss... Raj!" tawag niya dito, katatapos lang niyang gawin ang pinapaggawa nito. At dahil bored na siya kaya gusto niya ng kausap. Abala naman ito sa ginagawa nito kaya ang hirap nitong disturbuhin, kapag naaasar na ito sa ingay niya ay binibigyan siya nito ng maraming trabaho na agad naman niyang natatapos.

            "Shut up, Sab."

            "Wala ka na bang i-u-utos sa akin?"

            "Manahimik ka." Kaninang umaga pa wala sa mood ang lalaking iyan.

            "Nagawa ko na iyan, alam mo naman na ang hirap-." Nagtaas ito ng tingin, iyong tingin na hindi niya inaasahan na makikita niya sa gwapong mukha nito. That look that leaves her speechless and her heart tighten in fear.

Royale Series 3: FINALLY, CAUGHT YOU! (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora