Chapter Three

135K 2.4K 79
                                    

Chapter Three

            ANG aga niyang nagising dahil kailangan pa niyang pagsilbihan ang lalaking iyon. Hindi nga siya nakatulog dahil namamahay pa siya, wala namang masyadong pinagkaiba ang bahay ni Raj at ni kuya Cash but it feels different. Walang nangungulit sa kanyang maliit na devil, she missed miggy. Kahit na makulit iyon she loves her pamangkins so much.

            "Maaga ka ngang nagising." Untag nito sa kanya.

            "Hindi ko hahayaan na may masabi ka na namang hindi maganda sa akin."

          "Wala naman akong sinasabing hindi maganda. Feeling mo lang na natatamaan ka sa mga sinasabi ko kasi guilty ka."

            "Fuck you." Shoot! Nagcuss na naman siya.

            "One." He warned. "Kapag umabot ng tatlo patay ka sa akin."

        "Uhuh." Pang-aasar niya sa binata na sobrang gwapo talaga. Pwede ba talagang nagiging gwapo ang isang tao pagdaan ng mga araw? Ang daya kaya!

            "After you cook ay mag-ayos ka na. I need assistant in my office."

            "Paulit-ulit? Alam ko na iyan."

            "And before you go pick me a suit to wear." Nagkibit-balikat siya at napahikab.

            "Alam mo hindi assistant ang kulang sa iyo Rajeev Santillan. Asawa ang kailangan mo bakit hindi ka nalang mag-asawa?"

            Napatingin ito sa kanya. "As much as I would love to but the woman I am engaged right now is inlove with other guy."

            Tinutukoy yata nito si Belle. Oo nga pala, technically the two of them is engaged kahit na bet or usapan lang iyon. Nakaramdam siya ng panghihinayang and she hoped n asana ay si Belle at Claude ang magkatuluyan. Mas bagay sila eh.

            "Madali namang maghanap."

            "Bakit ako maghahanap? I can have any woman I like if I decided to settle down."

            "Wow, men. Hindi ka rin mayabang no? Sobrang yabang mo as in ang sarap mong batukan. Sana nga ay makahanap ka ng matinong babae na magtitiis sa gaspang ng ugali mo once you decided to settle down. Baka makarma ka at mahirapan ka."

            "I doubt it."

            "You doubt it pala ha. Let's see."

            "Why do I have this feeling na ayaw mong mag-asawa ako? Based from what I heard you were also engaged a year ago? What happened natakot sa iyo dahil sa kasungitan mo?"

            How the hell did he knew that? Mula ng araw na iyon ay hindi na niya binuksan ang topic about that stupid past of her. She can still feel the pang of pain but she immediately removed the idea and maintain her normal self.

            "Natakot siya sa akin dahil hindi niya ako kaya. He is a loser." She said to him.

            "Ano naman ang nakakatakot sa iyo?"

            "Aba, baka hindi mo alam. Matakot ka na sa maliliit na tao dahil hindi moa gad sila makikita kapag nagkataon mapuputol namin ang future mo." Biro niya. Muntik na siyang matawa dahil sa naging reaksyon nito. Para kasing sinasabi na nababaliw na siya.

            "You are crazy."

            "Depende sa kausap. I am a very flexible... assistant." She said emphasizing every word she uttered. Sobrang laki ang ngisi niya ng tuluyan na itong pumasok sa silid nito, weak pala si Rajeev her master eh. Siya man ay tinapos na ang ginagawa at agad na pumanhik sa silid din niya upang mag-ayos.

Royale Series 3: FINALLY, CAUGHT YOU! (COMPLETED)Where stories live. Discover now