Chapter Five

130K 2.4K 64
                                    

Chapter Five

            "Kung nakakalimutan mo may trabaho ka pa sa loob." Malamig na untag ni Rajeev na nasa likod na pala niya ng mga oras na iyon. She just lowered her head and walk pass through him. Napansin niyang napalingon sa kanya si Ashley na biglang napadaan kasama si Amber, base sa mga mukha ng mga ito ay nagulat ang dalawa ng hindi niya sagutin si Rajeev. Sanay na sanay na kasi sila ng binabara niya ang lalaking iyan. Ayaw niya ng maingay eh kaya tatahimik nalang ako.

            "Naririnig mo ba ako Sabrina?" galit na habol nito sa kanya. She rolled her eyes and nod so many times for him to understand that she heard it right and clear.  "Answer me damn it!" tinaasan niya ito ng kilay. Bipolar talaga, ayaw nito ng maingay tapos ay ... ewan... kinuha niya ang kanyang cellphone and typed.

            Yes, I understand. Let me go at ng matapos ko na ang trabaho ko SIR!

            Tapos ay ipinabasa na niya ang text niya dito at ng hindi siya nito bitiwan ay hinablot na niya ang braso niya na hawak nito at naglakad papasok sa opisina nito. Agad niyang hinarap ang kanyang mga gawain at ng matapos na.

            "Ano ba ang nangyayari sa inyo ni Rajeev?" si Ash na lumapit sa kanya. Hindi nakasunod si Raj.

            "Bakit hindi siya ang tanungin mo?" cold niyang tanong

            "Ewan ko sa inyong dalawa para kayong mga bata." Gusto niyang pumalatak. "Sab, ano ang ginawa ni Raj?"

            She bit her tongue and shook her head left to right and vice versa. "I know may ginawa sa iyo ang lalaking iyon dahil hindi ka mananahimik ng ganyan kung wala. Tell me." Pilit nito.

            "Huwag mong pilitin ang ayaw." Singit ng lalaking naging dahilan kung bakit mainit na naman ang ulo niya.

            "Kayong dalawa kapag hindi pa kayo nag-usap pagbubuhulin ko na kayo." Banta ni Ash sa kanilang dalawa.

            "I am already talking."

            Like hell! Usap baa ng tawag nito sa ginagawa nito? Mas lalo siyang nakaramdam ng inis sa lalaking iyan.

            "Sab." Si Ash na hinihintay siyang magsalita pero umupo lang siya at ipinagpatuloy ang pagsosort ng mga papel doon. There is a moment of silence between the three of them until Ash sigh in frustration. "I quit!" suko nito. "Nakakainis kayong dalawa, kapag hindi kayo mag-uusap hindi ako papasok sa trabaho." At nag-walk out na ito.

            Naiwan silang dalawa na tahimik pa rin. She didn't spare a glance at him at hindi na rin ito nagsalita pa at bumalik sa pwesto nito. Ilang sandali pa ay bigla nalang itong tumayo akala niya ay aalis na ito kaya lang ay bigla siya nitong linapitan at hinila palabas ng opisina nito. Sa isang iglap lang ay sakay na siya sa kotse nito. Parang sa isang kisap mata lang ay narrating na nila ang bahay nito.

            "Hindi ka ba talaga magsasalita?" she saw frustrations over his handsome face. She just stared at him coldly. "Sabrina." Nasa boses nito ang pagbabanta. She diverted her eyes away from him and to her toes playing her sandals.

            Muntik na siyang mapatili ng bigla siya nitong buhatin at isampay sa balikat nito. Feeling niya ay lumipat lahat ng dugo niya sa katawan papunta sa kanyang utak. Pilit niyang itulak ang binata pero hinampas lang nito ang kanyang butt making her squirm but still kept her silence.

            Ibinaba siya nito sa kama nito at mariin siyang tinitigan. Hala, ano ang ginagawa nila sa loob ng silid nito? The last time he allowed her to enter his room ay noong unang tumapak siya sa bahay nito. Noong una niya itong nakitag halos hubo't hubad na and definetly she was seduced by him during that time.

Royale Series 3: FINALLY, CAUGHT YOU! (COMPLETED)Where stories live. Discover now