Yinakap lang niya ang kaibigan. Alam niyang may sariling love life pa siyang dapat pag-igihan pero kailangan siya ng kanyang kaibigan.

            "Eugene, hindi ito end of the world. Tingnan mo nga si Zuris iniwan at sinaktan mo dati kung ano ang nararamdaman mo ay ganoon din ang naramdaman niya dati o higit pa. Pero nakamove on siya at makakaya mo rin. Malamang may ibang babae diyan na naghihintay sa iyo sa tabi-tabi. Mahirap magmove on ngayon pero malalampasan mo rin iyan."

            Umiling ito. "I won't fall inlove again."

            "Huwag kang magsalita ng tapos."

            "If loving someone hurts this much I'd rather be empty and painless."

            "Lasing ka lang Eugene come, I'll bring you home." Hindi naman kasi malayo ang bahay nito doon. Alam niyang kasalanan ni Eugene ang nangyari at hindi niya magawang magalit kay Zuris. Walang kasalanan si Zuris dahil nasaktan ito, nagmove on at nakahanap ng taong mamahalin. She sigh.

            Just like her, nasaktan siya ni Calyx. Nagmove on siya at nakahanap din siya ng bagong taong mamahalin niya. Nang iwan siya ni Calyx oo nasaktan siya dahil pakiramdam niya ay trinaydor siya at sinaksak patalikod. Pero ng iwanan siya ni Rajeev kahit hindi pa man sila gumuho ang mundo niya, hindi niya maikakailang umiiyak pa rin siya kapag naalala niyang umalis nalang ito ng walang paalam. Mas malala ika nga ang sakit na naramdaman niya ng nawala ito and she won't let him go again.

            Hinayaan muna niyang magpahinga si Eugene bago niya iwanan ito.

            "Shit!" saka lang niya namalayan na alas otso na pala ng gabi. Patakbong tinungo niya ang bahay ni Raj at humihingal na tinawag niya ito. Kaso walang tao, umalis na naman ba ito? Akal aba nito hindi na niya ito papatawarin?

            Kinuha niya ang kanyang phone and call Belle kaso hindi niya ito macontact. Sinubukan niyang tawagan si Ashley baka alam nito kaso hindi pa rin niya ito macontact. She called his number, may sumagot. Nakahinga siya ng maluwang.

            "Raj? Asan ka na ba?"

            May narinig siyang tikhim sa kabilang line. Hindi iyon tikhim ni Raj. "Sino ito?" tanong ng babaeng nasa kabilang linya. She looked at her phone, number talaga ni Raj eh. Umalis ba ito at nambabae.

            "Nandiyan ba si Raj?" nanghihinang napa-upo siya sa mesang malapit sa kanya. Nanghihina ang pakiramdam niya.

            "Nope, Rajeev is not here."

            "Bakit nasa iyo ang phone niya?"

            "He left it in the office. Hindi ko rin mapapansin na naiwan niya kung hindi nagring. He took a week leave by the way. Sino ba ito?"

            "Sab."

            Matagal itong hindi sumagot at ilang sandali pa ay bigla nalang itong. "Oh em gee, as in Sabrina? Sabrina Santos na kinaaadikan ni Raj?"

            Kumunot ang noo niya. "That would be me."

            "Glad to hear your voice and by the way I'm Lei pinsan ko si Raj."

            Ehh? Magpinsan sina Lei at RRaj? "Oh, I am very excited to see you Sab. I heard a lot about you from Belle, Ash and of course from Raj. Lalo na ng matingga siya sa London ng walong buwan, tanga kasi ang pinsan kong iyon. Hindi inasikaso ang visa niya ayan tuloy na-expire but don't worry pure Filipino citizen na siya at hindi na siya ipapadeport doon. Sa kasamaang palad isinama niya ako." Narinig niyang tumawa ito sa kabilang linya.

Royale Series 3: FINALLY, CAUGHT YOU! (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن