Tumayo siya at umayos ng pagkakaupo. Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong mamangha sa itsura niya ngayon. Bakit ganoon? Bagong gising siya at magulo ang buhok pero bakit ang gwapo niya pa rin? His looks are killing me.

Tumayo ako. "Anyway, nasaan sina Nana Sonia at Zoey? Paggising ko kasi wala na sila. At bakit nga ba diyan ka natulog? May kama naman."

"They're out. Nagpaalam sila sa akin kanina na lilibutin lang nila ang resort," sagot niya. "Hindi ko naman namalayan na nakatulog na ako rito kaya hindi na ako nakapunta sa kwarto."

Napatango-tango ako. "I want to stroll around, too pero mukhang nauna na sina Zoey. Ayoko naman ng walang kasama. Anyway, I'm hungry. Hindi pa ba tayo kakain? Oras na rin naman ng hapunan."

"I'll call Nana Sonia, then. You should get ready. Sa restaurant na lang tayo kumain. Papadiretsuhan ko na rin sila doon," sagot niya bago tumayo at kinuha ang cellphone. Nagkibit-balikat na lang ako at nagpasyang maligo na.

Pagkatapos kong maligo ay sumunod naman si Joseff. Nang parehas na kaming nakaayos ay lumabas na kami ng kwarto at nagpunta sa restaurant ng resort.

Nang makarating kami sa restaurant ay napansin kong malapit pala iyon sa dagat. Nadama ko agad ang malamig na hangin kaya bigla akong nagsisi na hindi ako nagdala ng jacket. Naka-black shorts at white off-shoulder top lang ako kaya naman ramdam ko ang lamig.

Pagpasok namin sa restaurant ay nakita namin agad sina Nana Sonia at Zoey na nakaupo sa dulong mesa. Dumiretso kami roon at nakangiti naman kaming sinalubong ni Zoey. I smiled and kissed her cheeks. Hinalikan naman ni Joseff ang kanyang noo.

Hindi ko naman mapigilang mapaisip sa ginawa namin kay Zoey. Parang nagmukha yata kaming isang pamilya dahil doon. Ako ang nanay at si Joseff ang tatay. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa naisip.

Napailing ako. I shouldn't be thinking about that. Bakit naman iyon ang iisipin ko? Ah, ewan!

Umupo na lang ako sa harap ni Zoey. Si Joseff naman ay umupo sa tabi ko. Pagkaupo niya ay nagtawag agad siya ng waiter para humingi ng menu. Tahimik kaming namili ng kakainin namin.

Maya-maya lang ay tahimik na kaming kumakain. Paminsan-minsan ay nagkukwento si Zoey tungkol sa mga nakita niya habang naglilibot sila ni Nana Sonia. Napapangiti na lang ako dahil mukhang nag-enjoy siya kahit na naglakad-lakad lang naman sila. Mukhang maganda nga yata talaga ang resort na ito.

Pagkatapos naming kumain ay nagpasya kaming bumalik na sa room. Pero sa kalagitnaan ng paglalakad namin pabalik ng kwarto ay bigla kong naisipang maglakad-lakad. Huminto ako sa paglalakad at hinarap sina Joseff. Huminto rin sila sa paglalakad.

"Uh… maglalakad-lakad lang ako. Mauna na kayong bumalik sa kwarto," sabi ko.

"Yaya, where are you going?" Zoey asked. Napangiti ako.

"Diyan lang, baby. Maglalakad-lakad lang ako saglit. Babalik din ako agad," sagot ko.

"Okay," nakangiti niyang sagot. Ginulo ko ang buhok niya dahil doon.

Tumango naman sina Nana Sonia at Joseff kaya tumalikod na ako para umalis. Naisip kong maglakad-lakad sa dalampasigan ngayon. Hindi naman masyadong madilim dahil sa liwanag ng buwan at mga ilaw sa paligid.

Nagsimula na akong maglakad-lakad. Damang-dama ko ang lamig ng simoy ng hangin habang naglalakad ako. Hinimas-himas ko ang braso ko para kahit papaano ay maibsan ko ang lamig na aking nararamdaman.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapansin ang ginagawa ng mga tao. May mga magbabarkadang nakapalibot sa isang bonfire, may mga batang hinahabol ng kanilang magulang, may mga kumukuha ng picture kahit gabi, at mukhang may mga couples na nagtatago sa dilim. Mayroon ding mga naglalakad-lakad tulad ko at mayroon namang mukhang naghahanap lang ng kung sinong mapagti-trip-an.

The Gorgeous Nanny (The Neighbors Series #2)Where stories live. Discover now