Naghihintay

84 1 2
                                    

Kapag ikaw ay nagdadalawang isip
Nandito lang ako, naghinhintay
Kapag ramdam mo na gusto mong tumakas
Ako ay naghihintay sa iyong pag balik

Kahit na masakit na malaman
Ika'y Hindi para sakin
At ako'y hindi para sa'yo
Naghihintay Ako dahil mahal kita

Kapag gusto mo ng kaibigan
Nandito Ako para maging isa
Isang kaibigan na laging nandiyan
Laging nakikinig at laging nagbibigay ng payo

Kahit na ganyan ang turing mo sa akin
Titiisin ko ang sakit na nadarama
Dahil ikaw ang pinili ng aking utak
Ikaw rin ang laman ng aking pag iisip

Alam mo, Ako ay laging naghihintay
Na Ikaw ay pupunta sakin
At sasabihin mo na mahal mo Ako
Pero titiisin ko ang lahat Kung sakaling hindi

At Hindi iyon mangyayari
Sa kadahilanan na Ikaw ay nasa iba na
Pero lagi mong tatandaan na
Ako ay naghihintay dahil Mahal Kita.

POEMS...حيث تعيش القصص. اكتشف الآن