Trouble

684 16 0
                                    

Natasha's POV

"Girl!" Nagulat ako sa malakas at tumitiling boses ni Eunice dito sa dressing room. Back to work ako ulit ngayon at hindi muna ako makakakuha ng night off dahil sa ilang beses na akong umabsent. Kasalukuyan akong nag-aayos ng make-up ko nang umentrada siya bigla.

Nasapo ko dibdib ko. "Nagulat naman ako sa'yo."

"Kumusta ang wedding date?!" Sabay kuha ng upuan at tumabi sakin. "Bongga ba?!" Sabay tili niya ng malakas.

Tinakpan ko ang mga tenga ko. "OA ha! Kailangan ba tumili ka ng malakas?"

"Kinikilig lang ang tao eh." Sabay ayos ng pwesto at humarap sa salamin.

Napangiti ako habang pinagpapatuloy ko pag-aayos ko. "Pero bongga infairness. Parang fairytale... Nakakainggit."

"Talaga?" Namilog mga mata niya.

"Adik ka talaga!" Tatawa-tawang siniko ko siya sa tagiliran niya.

"Gaga!" Sabay tapik niya sakin sa balikat at humarap muli sa salamin para mag day dream. "Ako'y isang babae lang din na nangangarap na sana eh balang araw makahanap ako ng prince charming at bibigyan ako ng isang bonggang kasal sa simbahan." Sabay pangalumbaba niya pa. "Hindi ka ba nangangarap Natasha na sana sa'yo din mangyari yon?"

Napaisip tuloy ako sa sinabi niya.

Actually pangarap ko rin yan.

Pangarap na kinalimutan ko na simula nang mapasok ako sa ganitong trabaho.

Sino bang lalaki ang seseryoso sa isang tulad ko na show girl?

Bigla ko naisip si Anthony at yung mga sinabi niya sakin.

It's still hard for me to believe na may lalaki pang tulad niya na kahit alam niya ang trabaho ko eh gusto pa rin niya akong makilala at maging girlfriend. Biglang napasok sa isip ko yung pinagtapat niya sakin kagabi nung ihatid niya ako matapos ang late dinner after attending a wedding.

*flashback*

"I love you Natasha." Anthony blurted out nang palabas na sana ako ng kotse niya pagkahatid niya sakin. "Gusto kitang maging girlfriend kung papayag ka."

"H-Ha?" Totoo ba itong naririnig ko? The high and mighty Anthony eh gusto na maging girlfriend ay isang tulad ko? "A-Ano bang sinasabi mo?"

He reach out his hand and held mine. He looked at me in the eye seriously. "I'm serious. I'm in love with you Natasha. I fell for you since the first time I saw you dancing at kahit nung tinatarayan mo pa ako."

"A-Anthony--" He cut me off. Nagpapanic ang kaloob-looban ko. Dapat nga matuwa ako dahil isang tulad ni Anthony nagmamahal sakin. Ewan ko ba kung bakit mas nananaig sakin ang takot imbis na matuwa ako sa naririnig ko sa kanya ngayon. O dahil unexpected itong pagtatapat niya?

"Hush." He put a finger on my lips to shut me up. "Hindi kita minamadali Natasha. sinabi ko lang naman sa'yo ang nararamdaman ko." He held me face then at hinimas ang pisngi ko. "Kanina while watching my friend get married, naimagine ko na sana balang araw... Tayo rin... Maging ganon."

Oh my God. He is so straight forward at talagang nasabi niya yan.

Ang tanga ko naman kung hindi ko nakikita ang sarili ko na ikakasal sa taong mahal ko.

Sa totoo lang gusto ko na rin si Anthony. Na-iinlove na nga yata ako sa kanya. Kaya lang natatakot ako. Isa lang akong malaking batik sa reputasyon niya. Hindi ako karapat-dapat sa kanya. Kailangan niya ay yung baabeng may malinis na reputasyon.

In Love With A StripperWhere stories live. Discover now