The Unexpected Stripper

1K 21 0
                                    

NATASHA'S POV

Maaga ako pumasok sa club ngayon. 6pm pa lang ay nandito na ako, mamaya nga pala ang lakad nina Eunice don sa stag party. Nandito na rin sina Candy at Roxy, sakto din dating nila. Si Eunice na lang ang kulang.

"Girls, goodluck sa inyo mamaya." Sabi ko don sa dalawa habang nag-aayos ng mga gagmitin nilang damit at props dito sa dressing room.

"Thanks girl." Sabay nilang sabi.

Halos 30 minutes na lumilipas pero hindi pa rin dumarating si Eunice. Aba! Ma-late sila nito!

Panay nga labas pasok ni Mama Tere dito sa dressing room magmula kanina pa. Halatang medyo na-frustrate na rin siya. Nagsisidatingan na din mga iba kong kasamahan dito.

"Bakit wala pa si Eunice?" Takang tanong ni Roxy.

"Mahuhuli na tayo nito eh." Sabi naman ni Candy.

"Try ko tawagan." Sabi ko saka kinuha ko cellphone ko at sinubukan tawagan siya, ngunit busy ang nasa tone.

"Busy eh." Sabi ko sabay tingin kina Roxy at Candy naparehong napapakamot na lang sa ulo.

"Dapat pala nauna na tayo don pumunta eh." Sabi ni Roxy kay Candy.

Maya-maya pumasok si Mama Tere na nakasimangot.

"Bad news girls, hindi makakapasok si Divine ngayon dahil naospital ang papa niya at walang magaasikaso kundi siya." Sabi ni Mama Tere na kinagulat naming lahat.

"Kumusta naman ang papa niya?" Worried kong tanong. Kaya pala hindi ko siya matawagan. I hope hindi malala ang situation ng papa niya. Sa talan ng mag bestfriend kami ni Eunice ay four times ko pa lang nakikita ang family niya. Pag nagpupunta ako sa bahay niya.

"Hindi naman grabe ang nangyari." Sabi ni Mama na sakin nakatingin. "Inatake ng asthma."

"Kawawa naman." Rinig kong sabi ng iba kong kasamahan. "Thank God hindi malala."

"Eh mama, sino kapalit ni Divine niyan na sasama samin don sa Stag party?" Tanong naman ni Roxy. Siyang sabay tapal ng tingin sakin ni Mama Tere.

Don't even go there Mama, alam mo naman na hindi ko trip ang ganyan.

"Naya, ikaw na lang pumalit kay Divine." Walang alinlangan niyang sabi.

Panic rushed through me. "Bakit ako Mama?"

"Bakit hindi?" Balik tanong niya sakin.

"Andyan naman si Princess oh." Sabay turo ko sa kanya na busy naglalagay ng make up sa mukha.

"May darating daw siyang customer ngayon kaya hindi siya pwede." Paliwanag ni mama.

"Mama naman eh!" Irap ko. "Alam mo naman na hindi ko trip ang mga stag party na yan eh."

"Hay naku Naya." Napakamot siya sa ulo. "Huwag ka nang maarte! Malaki ang binayad ng kliyente at ma-late na kayo. Ikaw ang ang papalit kay Divine, tapos ang usapan."

Magsasalita pa sana ako kaso napaurong dila ko. Malaki daw binayad ng kliyente, bakit kasi ako pa?! Ano ba yan! Pag minamalas nga naman oh!!! I really hate this! Sana pala nag pa-late na lang ako kung magyayari ito. Pero ano pa ba magagawa ko?

"Roxy, Candy." Tawag niya sa mga 'to. "Tulungan niyo si Naya ayusin mga gagamitin niya. Bilisan niyo at naghihintay na rin ang pinagawag kong taxi."

In Love With A StripperWhere stories live. Discover now