Date 101

918 21 2
                                    

NATASHA'S POV

Tingin sa likod.

Harap ulit sa salamin.

Ok na kaya itong suot ko?

Naman oh!

Saan ba kasi ako dadalhin ni Anthony?

Simpleng blue jeans at casual na greenish floral blouse ang suot ko.

Kanina pa ako hindi mapakali sa pagpapalit-palit ng damit.

Kung bakit kasi pumayag pa ako sa date na ito eh.

Pati buhok ko, hindi ko alam kung paano ko aayusin.

Itatali ko ba o ilulugay ko?

Bakit ba masyado kang tense ha Natasha? Date lang naman ito, kakain lang kayo sa labas tapos uuwi na, edi tapos!

Pero na-tense talaga ako eh.

I finally decided to just wear my hair in a simple high ponytail.

Pagkatapos ay naglagay din ako ng konting make-up. Konting mascara, baby powder at lip balm lang and I'm all set to go. Sa trabaho lang naman ako nag-lalagay talaga ng make-up tulad ng eyeshadow, blusher at lipstick.

I took a final glance at myself sa harapan ng salamin.

Ninenerbyos pa din ako.

Sana okay itong suot ko.

Bakit ba ako na-consious sa damit kong suot?

Lunch date naman ang pupuntahan ko noh. Hindi na kailangang mag-bihis ng bongga.

Habang abala ako sa pagtitig sa sarili ko sa salamin ay may narinig akong ingay ng kotseng dumman. Agad na lumabas ako ng kwarto at sumilip sa bintana.

My gosh!

It's Anthony!

Mabilis pa sa alas-kwatro na bumalik sa kwarto ko.

Sinuri ko ulit sa salamin ang itsura ko.

Nagulat ako nang kumatok ito sa sa pinto.

"Tao po." Malumanay ang boses niya.

"S-Sandali!" Sabi ko sa malakas na boses. Narinig niya kaya?

I took a one final glance at the mirror bago lumabas.

"Hello." I greeted him pagbukas ko ng pinto.

"Hi." He smiled.

I can't help but be dazzled at his smile.

Nakadagdag sa pogi points niya ang suot niya ngayon. Simpleng white na t-shirt at cargo shorts lang ang suot niya. Formal man o kahit simple lang ang bihis niya, tumitingkad pa rin ang kagwapuhan niya.

Bakit ba masyado akong affected sa looks niya?

"P-Pasok ka muna." Pag-alok ko and opened the door widely. Pinaupo ko siya sa maliit kong sofa.

I can see na ino-observe niya ang paligid ng apartment.

"P-Pasensya ka na at maliit lang ang crib namin." Nahihiyang sabi ko. "Kung ikukumpara sa'yo malamang sa malaking bahay ka nakatira."

"Actually, I like your place." Complement niya. "Even though it's small, neat and clean naman."

Wow, grabe maka-comment ah. "Salamat."

"And I like what you're wearing." He eyed me from head to toe. "You really look good in jeans."

Napalunok ako. Kasi ba naman sa legs ko nakatingin eh! "T-Thank you. Okay lang ba itong suot ko sa pupuntahan natin?"

In Love With A StripperWhere stories live. Discover now