In The Club

849 14 2
                                    

Natasha's POV

"Ate!" Sigaw niya nang pagbuksan niya ako ng pinto dito sa bahay. Agad niya akong sinalubong ng yakap. "Kumusta date niyo ni kuya Anthony?"

"Ayos naman kapatid." Nagulat ako nang si Anthony na bigla na lang sumulpot. Nauna kasi akong bumaba ng kotse. He really insisted na samahan pa ako rito at ihatid sa trabaho.

Kulit lang niya.

"Eto nga pala ang pasalubong mo." Inabot ko sa kanya ang donut at burger.

"Wow ate!" He hugged me at hinalikan sa magkabilang pisngi. Sweet lang talaga ng little bro ko. "Thank you ate!"

I hugged him back. "Actually Josh, kay kuya Anthony mo yan galing." Bulong ko sa kanya.

"Ay," agad na kumawala siya sakin at kay Anthony Lumapit. "Thank you Kuya Anthony sa mga pasalubong."

"No problem bro." Anthony says at ginulo-gulo pa ang buhok ni Joshua.

"Saan nga pala kayo nag-date ate?" Tanong niya sakin.

"Sa Manila Ocean Park." I said.

"MANILA OCEAN PARK?!" Nanlaki pa ang mga mata niya at biglang nabahiran ng lungkot ang mukha niya. "Buti ka pa ate nakapunta na."

"Don't worry Josh," Anthony says at sabay na umuklo sa harap ng kapatid ko. "Sa susunod na weekend babalik tayo don kasama ka. Wala kang pasok sa Saturday right?"

What? May take two pa?

"Talaga Kuya Anthony?!" Biglang nangislap ang ang mga mata ni Joshua at napatingin din sakin. "Ate pupunta tayo don! Tayong tatlo! Kasama ako!"

I smiled at him. Talagang nakakatuwa sa pakiramdam na makita siyang ganyan kasaya. "Oo naman."

"Yehey!" Nagtatalon siya sa tuwa. Tumayo na si Anthony and he looked at me instantly with a smile on his lips.

"Kumain ka na Josh," binilinan ko na siya. "Papasok na ako ngayon sa work at ikaw nanaman maiiwan dito. Tandaan mo mga bilin ko ah. Huwag na huwag kang magbubukas pinto kapag hindi mo kilala ang kumakatok-

"Huwag na akong magbabad sa tv para hindi makatulog sa sala," Pinatong niya sa mallit naming sofa ang hawak niyang mga take out. "Kapag nagutom ako, init ko na lang ang pagkain sa ref at bunutin ang saksakan ng microwave pagkatapos ko gamitin. Mag toothbrush at uminom ng gatas bago matulog."

I folded my arms across my chest. "Kabisado mo na ang mga bilin ko ah."

"Ate siyempre," Sabi niya na napapakamot sa ulo. "Gabi-gabi na lang lagi yan sinasabi mo eh."

"Kung bakit kasi ayaw mo magpabantay sa kay ALing Pasing eh," Bahagyang kinurot ko ang chin niya. "Nagaalala tuloy ako lagi sa'yo eh."

"Don't worry ate, big boy na ko." Buong pagmamalaki pa niyang sabi. Laging ganyan ang sagot niya.

"O siya, big boy na kung big boy." I said to him at bumaling kay Anthony. "Maupo ka muna Anthony, kukunin ko lang sa kwarto ang gamit ko."

"Take your time," He says. "Nandito naman ang kapatid mo."

I just nod then agad na tinungo ang kwarto ko. Kinuha ko yung dancing shoes ko na color brown at nilagay sa paper bag. May locker naman ako don sa club kaya hindi na ako magdadala ng damit kasi kahit mga make-up na ginagamit ko ay nandon din.

Chineck ko yung gas sa kalan paglabas ko ng kwarto. Mahigpit namang nakasara at saka binilan ko ulit si Josh na huwag nang buksan yon.

"Papasok na ako sa work ah," Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. "Ang mga bilin ko ah."

In Love With A StripperWhere stories live. Discover now