Anthony Flores Ocampo

1.6K 27 5
                                    

ANTHONY'S POV

"Pare tara sumama ka na samin pumunta don sa club." Pakiusap ng kaibigan ko sakin na si Kenneth. Kausap ko siya ngayon sa cellphone at kanina pa nila ako kinukulit na sumama. Nandito ako sa opisina ngayon at abala sa ginagawa kong trabaho. Birthday niya kasi ngayon at gusto niya mag-celebrate. Don sa club kung saan may mga dancers na nagpeperform ng peep show. Kung ano man club iyon, I never heard that club before.

"O sige na." Pagpayag ko. "Anong oras tayo magkikita-kita don sa--"

"The Dream Paradise." Sabi niya.

"Ikaw talaga, basta pagdating sa club ang dami mong alam." Naiiling na sabi ko.

"Ikaw kasi puro trabaho kaya naiiwan ka na sa byahe." Nang-aasar na sabi nito. Palibhasa birthday niya at gusto nanaman niya ata na mabinyagan kaya gusto magpunta ng club.

"Basta text niyo na lang sakin mamaya kung saan ah at anong oras." Pag-iiba ko ng usapan. May meeting pa kasi ako within ten minutes at kailangan ko na maghanda

"O sige pare. Basta pumunta ka kundi lahat kami hihilain ka para lang sumama ka." Pagbabanta niya.

"Oo na." Sabi ko. "May meeting pa ako kaya see you later pare."

Pagkatapos non ay pinindot ko na ang end call.

Tiningnan ko ang oras sa wrist watch ko. It's past 3pm na ng hapon.

May narinig akong katok sa pinto. "Pasok!"

Bumungad secretary ko na si Helen. "Sir nasa conference room na po silang lahat."

"O sige, I'll be there shortly." Sabi ko habang hinanada ko mga gamit ko na gagamitin sa board meeting.

Pagkasara niya ng pinto ay lumabas na rin ako at pumasok na sa loob ng conference room. Can't wait for this meeting to be over already.

Katatapos lang ng meeting. At nang tingnan ko ang wrist watch ko it's already 5:30pm. Naupo ako sa swivel chair ko at sinandal ang ulo ko don sa headrest nito.

That was the longest meeting I had so far.

Mula nang maging CEO na ako ng Manufacturing Business namin, halos dito na umikot ang buhay ko. Trabaho, meetings at kung ano-ano pa.

Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita ko na may message sakin si Kenneth. Oo nga pala, muntik ko na rin makalimutan yong gimik namin mamayang gabi.

Sa Roxas Blvd daw ang club at hihintayin na lang daw nila ako ng 8pm.

Wala talaga akong kawala. Sa totoo lang hindi ako mahilig magpunta sa mga club at bar. Ang mga barkada ko na sina Kenneth, Edward, Daniel at Matthew halos lahat na yata ng club at bar dito sa Manila ay napuntahan na yata nila.

Ilang sandali ang lumipas, I got up and switched off my computer. I gathered my things at lumabas na ng opisina. Nadatnan ko ang secretary ko na nasa mesa pa niya.

"Mauuna na ako Helen, I'll see you tomorrow." I said as I made my way to the elevator.

"Ingat po sir." Narinig kong sabi niya then pumasok na ako sa loob ng elevator nang bumukas ito.

Pagdating sa parking lot, sumakay na ako sa kotse at nag-drive na pauwi sa bahay.

"Anthonio iho, magandang gabi." Bati sakin ni Manang Sabel nang makapasok na ako sa loob ng bahay. Si Manang Sabel, bago pa ako ipanganak ay namasukan itong bilang katulong, siya na rin ang nag-alaga sakin magmula nung pinanganak ako. In other words naging nanny ko siya. Busy kasi lagi sa trabaho ang mga magulang ko kaya hindi rin nila ako masyado naasikaso noon. Dito na nga siya tumanda. It's really nice to have someone like her in this house.

In Love With A StripperWhere stories live. Discover now