Music for Love

799 16 4
                                    

Natasha's POV

"O kumusta ang pakikipag-usap kay pogi?" Agad na bungad sakin ni Eunice pagpasok ko ng dressing room.

Matapos ang pag-uusap namin ni Anthony ay napilit ko na rin itong umuwi. Medyo windang pa ako sa mga pinagtapat niya sakin. Hindi ko talaga yon inaasahan. Hindi pa rin makapaniwala.

"Ayos lang naman." Windang na sabi ko sabay upo sa may dresser ko.

"Bakit parang windang ka friend?"

"Wala lang." Napapailing kong sabi.

"Pwede kaya yon?"

"Sabi niya mahal niya ako."

"What?!" Gulat na sambit niya. "As in sinabi niya talaga?"

I nod.

Tumili ito ng pagkalakas-lakas at nahinto rin nang mapagtanto niya ang expresyon sa mukha ko. "Bakit parang hindi maipinta yang mukha mo?"

"Kasi parang too good to be true." I sighed. "Parang hirap paniwalaan ng mga sinabi niya."

"Kasi masyado kang guarded." She said at napatingin ako sa kanya. Kinuha niya yung plastic chair at umupo sa tabi ko. "Ano pa mga sinabi niya?"

Bumuntong hininga ako. "Sabi niya. . . Gusto niya na mag-date raw kami ng mas madalas."

"Ano naman ang say mo?" Hinawakan niya ang dalawa kong kamay.

"Nung una parang nag-aalangan ako," Paliwanag ko. "Kasi. . . Pano kung mainlove ako sa kanya ng todo? At saka. . . Papano niya ako maipagmamalaki sa ibang tao o sa mga kakilala niya? Isang hamak na show girl lang ako. Walang titulo, pok pok tingin ng karamihan satin."

"Alam mo, payong kaibigan lang," Dinala niya isang kamay niya sa buhok ko at dahan-dahan hinahaplos yon. "Eh ano ngayon kung show girl tayo at nagsasayaw sa club? As long as hindi tayo nagbebenta ng katawan natin, hindi dapat maging ganyan kababa ang tingin natin sa sarili natin."

Humarap ako sa kanya. "Sorry, na-offend ka ba?"

Umiling siya at hinawakan ulit ako sa kamay. "I feel for you friend, may point ka rin naman. Talagang ganyan ang buhay, kahit hindi naman tayo nagkakalakal ng laman eh mababa pa rin tayong klase ng tao sa lipunan dahil sa club tayo nagtatrabaho. Pero para sakin, as long as hindi ako nagbebenta ng katawan eh marangal pa rin ito."

Napangiti na ako. Salamat talaga at may kaibigan ako na tulad niya.

"Maka-smile wagas," Tukso pa niya at bahagyang siniko ako sa tagiliran. "So ano, pumayag ka na sa usapan ninyo ni pogi?"

Tumango ako bilang sagot.

She clasp her hands. "Kiligers!"

We laughed out loud.

Ilang sandali ay sumeryoso siya. "Pero alam mo friend, eto na."

"Ang ano?"

"Dumating na yung lalaking talagang magmamahal sa'yo," She says. "Kaya kung ako sa'yo, let your guard down and take risk. At isa pa, tanggap ka niya, alam niya ang trabaho mo but still, he wants to date you. Kaya Accept mo na lang at huwag kang matakot. Huwag mong hayaan mawala siya sa'yo. A man like that are one in a million."

"Kaya nga pumayag na ako na mag-date kami ng madalas." Sabi ko.

"Aye! Talaga?!" Tili niyang sabi. "Saan naman ang next?"

"Inaya niya ko maging date don sa wedding ng friend niya."

"Kailan yon?"

"Sa makalawa." I answered. "Bukas daw ng hapon after daw ng opisina niya mamimili raw kami ng isusuot ko."

In Love With A StripperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon