Glimpse of Her

1.4K 27 3
                                    

NATASHA'S POV

"Eunice!" Tawag ko sa kanya nang makapasok na ako sa dressing room.

"Oi late ka ah. Ano ba nangyari sa'yo?" Tanong niya.

"Traffic."

Magsasalita pa sana siya nang bigla nalang namin narinig na pumasok si Mama Tere sa loob ng dressing room.

"Naya. Late ka ah." Sabi niya at napakamot ako sa ulo.

"Sorry na mama, traffic eh." Sabi ko na may konting paglalambing. Paawa effect.

"Dahil late ka, ikaw ulit ang mag-open ng show. Mag sexy dance ka ulit."

"Mama Tere naman! Kagabi ako na ang nag open ng show eh." Pag-iinarte ko. Ano ba naman itong si mama, hindi naman ako super late para parusahan ng ganito.

"Huwag ka na mag-inarte Naya. Hala magbihis ka na at mag-ayos at bilisan mo." Final niyang sabi at agad na lumabas ng dressing room.

"Naman eh!" Padabog ko tuloy nailapag ang bag ko at napaupo sa upuan.

"Hayaan mo na Bessy." Si Eunice na inaalo-alo ako. "Atlis yan lang punishment mo. Alam mo naman na ayaw ni mama tere ang may na-late sa kanyang mga dancers."

"Hindi naman ako super late ng bongga noh. Si mama tere kung minsan ang unreasonable niya." Naman eh!

"Magbihis ka na girl. Fifteen minutes na lang mag start na ang show." Sabi niya kaya napatayo na ako mula sa pagkakaupo. Kinuha ko ang susi ng locker sa bag ko at binuksan ito at nagsimula nang magbihis.

********

ANTHONY'S POV

"Pare!" Boses ni Kenneth ang narinig ko sa di kalayuan at agad ko silang nakita, ang buong barkada. Sina Edward, Daniel at Matthew. Agad akong lumapit sa table na malapit lang sa stage at naupo.

"Late ka ah." Puna sakin si Kenneth.

"Traffic." Tipid kong sagot. Totoo naman.

"Anyway, glad you made it." Sabi naman ni Edward.

Tipid lang na ngiti ang sagot ko at saka umorder na ako ng makakain. May isang bucket na nang beer sa table. Kumuha ako ng isa.

"Okay Guys Cheers to Kenneth!" We raised our bottles of san miguel beer. "Happy Birthday!"

"Maraming salamat mga pare!" Nagsalita si Kenneth. "Napakaswerte ko talaga at meron akong mga kaibigan na katulad niyo."

"Corny pare!" Kantyaw ni Matthew at Daniel.

Nagtawanan kaming lahat.

"At sana ngayong birthday ko sana maka-jockpot ako." Dagdag pa ni Kenneth at sinamahan pa ng pilyong ngiti.

"Ang tanong pare, makaka-score ka kaya?" Kantyaw ni Daniel at uminom ng beer.

Napapailing na lang ako sa mga 'to.

I drank my beer again at nilapag ito sa table. Bigla ko naisip ang babaeng iyon kanina na tinulungan ko. I search for the whole crowd. Looks like she's no where to be seen around here, at isa pa madilim ang paligid. I can never forget her face. Her beautiful face especially her beautiful emerald eyes.

"Pare sinong hinahanap mo?" Nagulat na lang ako nang bigla akong tapikin sa balikat ni Edward.

Hinarap ko siya. "Wala."

"Meron eh." Sabi naman ni Kenneth. "May sinama ka bang babe at hinihintay mong dumating dito?"

Nagliwanag ang mukha nilang lahat sa sinabi ni Kenneth.

In Love With A StripperWhere stories live. Discover now