Chapter 31: Alpha's Mark

Start from the beginning
                                    

Nakarating ako sa lugar na tinutukoy ni Miss Loraine. It was the order's quarter. Karamihan sa mga meeting ng mga orders at iba pang importanteng bagay sa bayan ay dito pinag uusapan o ina-asikaso. It was an old two storey building located in a secluded compound away from the main downtown. Ang pinakamalapit na landmark dito ay ang town hall.

I parked the car in front of the building. Ngayon lamang ako nakatapak sa lugar na ito. Ngayon ko napagtanto na madami pang lugar sa bayan ang hindi ko napupuntahan. Nagkalat ang mga orders na makikita sa lugar. High concrete walls surrounded the place. Alam kong wala dito si Sebastian at Zander. They are patroling the border.

Nagtaka ang mga orders noong makita ako. Sinalubong nila ako pagbaba ko sa sasakyan.

"Miss Laura, ano po ang ginagawa niyo dito?"

"Can I check the detainees?"

Nagtaka sila. Nag alangan sila bago sumagot.

"Miss Laura, sa ngayon hindi pinapayagan ang kahit sinong sibilyan na bisitahin ang mga bilanggo."

"I'm not a civilian."

Napansin nila ang mariin kong tono. Wala na akong masyadong oras. Kailangan kong malaman sa madaling panahon kung tama ang hinala ko.

"Pero Miss Laura..."

"I'll tell Zander later. May gusto lang akong malaman."

The mere mention of their alpha made them reconsider my request.

"Kung ganon sumunod po kayo."

Naglakad ang order papasok sa building. I walked behind them. Bahagyang madilim ang paligid. Halos walang ingay na maririnig maliban sa yapak ng aming mga paa. Noong makarating kami sa dulo ng hallway natigilan ako nang makita ang isang underground staircase.

Bumaba dito ang order. Tuluyang nawala ang natural na liwanag mula sa labas. The hallway was lit by vintage lamps and torch. Kasing luma ng halos lahat ng bagay na makikita sa building. Pagdating namin sa ibaba dalawang orders ang nakabantay sa pintuang rehas. Yumuko sila noong makita kami. Binuksan nila ang pintuan.

I was greeted by a narrower hallway. Halos isang tao lamang ang makakapaglakad ng malaya dito. Nanguna ang order. The two orders at the doorway stood on guard. Nang makarating sa dulo huminto ang order. Humarap siya sa akin.

"Nandito po sila."

Hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan. Tila ba natatakot akong kompirmahin ang aking hinala. Was he here? Sino sino ang mga taong nasa likod ng mga seldang ito? Sino ang mga taong dahilan ng mga pag atake sa bayan?

Unti unti akong humakbang palapit. Hangang sa maging abot tanaw ko na ang loob ng seldang tinutukoy ng order. At first all I saw were silhauttes. Ngunit unti unting naging malinaw ang kanilang mukha dahil sa liwanag ng torch na kinuha ng order mula sa pader. They blinked. They stared. Hinanap ko ang kanyang mukha. Ngunit hindi ko siya nakita sa alin man sa limang nakakulong sa selda.  I didn't recognize the faces in front of me, but they seem to recognized me. I heard them talking in hushed voices.

"Nandito nga siya."

"Kamukhang kamukha siya ng kanyang Ama."

"Hindi maipagkakaila na isa siyang Arden."

Bahagyang yumuko ang ilan sa kanila na tila binabati ako. Nanlaki ang aking mga mata. Umatras ako. What are they doing? Humarang ang order at agad akong pinabalik sa hallway sa itaas.

"Miss Laura, mas makabubuti kung bumalik na kayo sa itaas. Sasamahan kayo ng isa sa mga order."

I was escorted upstairs. Nang makabalik ako sa hallway mabilis na sumara ang pintuan ng aking likuran. One of the orders approached me. He was telling me something. Nagsimula kaming maglakad. Pero walang ibang pumapasok sa aking isip maliban sa mga nasaksihan ko kanina.

Living with a Half BloodWhere stories live. Discover now