CHAPTER 2 {cont.}

10.4K 351 17
                                    

  SYRZZEL ROSE'S POV

At last I can finally go home.

Huminga ako ng malalim tsaka nagsimula ng ligpitin ang mga gamit ko. Bigla namang nagtext sakin si Alex na sabay daw kaming uuwi. Nag reply naman agad ako.

Syempre payag naman ako, makakalibre pako ng sakay sa magara niyang kotse.

Naglalakad nako papunta sa parking lot, nakita ko naman agad si Alex na nakaupo sa hood ng kotse niya.

Ang hot rin talaga tingnan ng baklang to oh.

Nakangisi akong nakatingin sa kanya habang siya naman nakabusangot ang mukha. Alam niya kasi kung ano ang nasa isip ko. Ganyan niya ako kakilala.

Nang narating ko na ang kotse niya, binuksan ko ang bag ko at nakitang wala ang notebook ko sa loob. Nagpapanic na lumingon ako kay Alex.

"Ang notebook ko bae, naiwan ko yata sa library. Babalikan ko muna ha?"

"Ok. I'll wait here."

Binigay ko sa kanya ang bag ko para walang sagabal sa pagtakbo. Nagsimula nakong maglakad ng bigla niya akong tinawag.

Nilingon ko siya pero patuloy pa rin ako sa paglalakad.

"Bae your shoe lace---"

Di ko na napakinggan ang sinasabi niya dahil bigla ko na lang naapakan ang shoe lace ng sapatos ko at nagsimula na akong ma out of balance. Pumikit na lang ako at hinintay na lang na bumagsak ako sa semento at lamunin ng hiya..

Pero..

Wait--bat di pa ako bumabagsak?

Bakit parang may kuryenteng dumaloy sa katawang lupa ko?

May nakayakap ba sakin?

Sunod-sunod kong tanong sa isipan ko.

Hinay-hinay kong binuksan ang mga mata ko at tumambad sakin ang mga matang kulay gray na may pagka dark blue ang outline. Thick and dark eyebrows. Long and arrogant nose. Chiseled jaw. Black wavy hair and a pair of red plump lips.

I stared at him with my mouth hang a little open.
I bite my lip unconsciously. His eyes automatically went down to my lips.

Napalunok ako bigla.

I heard him growl.

Why is he growling?

His eyes went back to mine. At bigla siyang nagsalita.

"Mine." He said huskily.

Nagtayuan lahat ng balahibo ko pagkarinig sa boses niya.

"Zel! Ok ka lang?!"

Para naman akong natauhan na galing sa pagkakahipnotismo kaya bumitaw ako sa pagkakayakap niya at tumayo ng maayos.

Nilingon ko ang nang istorbo----este ang nagtatanong sakin.

"OK lang ako Alex."

Nahihiyang nilingon ko naman yung lalaking sumalo sakin. Nagulat ako sa face expression niya. Parang galit siya at anytime ay papatay ng tao. Nakatingin siya ng masama kay Alex.

Hala. Anong problema nito?

Tumikhim ako para kunin ang atensyon niya. He looked at me with those soul piercing eyes. Hindi ko alam pero biglang uminit ang pakiramdam ko sa paraan ng pagtitig niya.

"Th-thank you pala sa pagsalo sakin." Nauutal kong sabi habang pilit inaalis ang pagtitig ko sa mga mata nya.

Hindi ko na hinintay ang pagsagot niya, tumalikod nako at hinatak sa braso si Alex.
Nagmadali nakong sumakay sa kotse pati rin si Alex.

"Ok-ay. What happened back there?" Basag ni Alex sa katahimikan.

"I have no idea." wala sa sariling sagot ko. I

Ano nga ba yung naramdaman ko kanina?
And who is that guy?

THE WOLF'S MATE 🥀 #wattys2022Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon