Nanlaki ang mga mata ni Rachel
"Kayo na ba?"
Nginitian lang siya nito at umalis
Sarap na sarap sa iniinom niya si Rachel
Katapat niya si Kester na nagpapractice lang.
"Mahirap bang magdrums?"
"Hmm.. sa una.. oo.. Gusto mong matuto?"
"Ahh.."
"Turuan kita!"
Pinaupo siya ni Kester sa harap ng drum set.
"Ganito.. basics muna tayo..Bass. Ito ang Bass. Tatapakan mo yan. Try mo."
"Ayaw"
"Diininan mo ng konti"
Tinry nga ito ni Rachel
"Yan. Ganyan.. Next tong snare. Eto drumsticks",inabot naman ni Rachel ang drumsticks
"Sige. Paluin mo yung snare"
Ginawa naman ito ni Rachel
"Sige. Ganito. Tapakan mo yung bass tapos palo sa snare"
"Sige. Sige. Eto na.",hinga ng malalim
Bass. Snare.
Kanina pa pala nakatitig sa kanila si Cyrus. Sina Ivan at Daniel naman ay palipat lipat ng tingin kina Kester at Cyrus.
"Iyan. Makakagawa ka na ng beat. Pagsabayin mo lang"
Bass. Snare. Bass. Bass. Snare. Bass. Snare. Bass. Bass. Snare.
"Oh di ba. Ang dali mong matuto"
"Mahirap pala. Basic pa lang yon ah"
"Hehe. Syempre una pa lang eh. Kitams? Natuto ka kasi MAAYOS ang pagtuturo ko sayo",madiin na sabi ni Kester saka tumingin ng masama kay Cyrus.
Masamang nagtitigan ang dalawa.
Natahimik ang lahat.
Tensyonado.
Tumingin si Cyrus kay Rachel,"Tara"
"H-huh?"
Bigla na lang siya nitong nilapitan at hinawakan sa braso
pero pinigilan siya ni Kester
"Dito lang si Rachel",hindi siya pinansin ni Cyrus nakatingin lang ito kay Rachel
"Tara"
"wag kang sasama. Rachel",Kester
"Tara na",madiing sabi ni Cyrus habang nakatitig kay Rachel
"B-bakit?",mahinang sabi ni Rachel
Hindi siya sinagot ni Cyrus at bigla na lang siyang hinila
Nabitawan ni Kester si Rachel
Napatayo sina Ivan at Daniel
Sinipa ni Cyrus ang pinto at lumabas hila hila si Rachel
------------------------------------------------------------------------------------------------
"Cyrus!",hila hila pa din siya ni Cyrus
Bawat madaanan nila ay may napapatingin sa kanila
"Cyrus! Tama na!",hindi pa din ito natitinag
"Cyrus! Bitawan mo na ko!"
Pumasok sila sa garden
Binitawan na siya ni Cyrus
"Umayaw ka na",seryosong sabi ni Cyrus
"Saan? Sa banda? At bakit?"
"Dahil hindi mo kaya"
"Bakit ba ayaw mo kong diretsuhin? Sabihin mo na lang na panggulo ko sa banda mo!"
"OO! PANGGULO KA! PANGGULO KA TALAGA!"
Natahimik si Rachel sa sigaw ni Cyrus.
"Oh ano? Ede alam mo na ngayon ang pakiramdam ng ginugulo? Hindi ako aalis sa banda. Bakit naman ako aalis ng dahil sayo? Sino ka ba?",tinalikuran na niya si Cyrus
Bakit ba nagkakaganito ka na naman? Kahapon lang... Kahapon lang.. Ayaw mo kong bumitaw sayo.. Tapos ngayon.. Hindi talaga kita maintindihan Cyrus.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Lumabas na ng band room sina Ivan at Daniel.
Naiwan si Kester sa loob.
"Wala ka bang napansin?",Daniel
"Meron. Syempre.",Ivan
"Aiss. Nangyayari na naman toh"
"Pero.. mas malala toh",Ivan
"Tama ka diyan.Hayy. Matutuloy pa kaya tong banda banda na toh?"
YOU ARE READING
Tip # 3 (COMPLETED)
Teen FictionIsang simpleng babae na magbabago nang makilala ang isang lalaking warfreak. Isang lalaking warfreak na magbabago nang makilala ang isang simpleng babae. Gano nga ba kahalaga ang pag ibig? Handa ba nila itong ipaglaban? Kahit na ano pang hirap ang m...
Chapter 39- Aftershock
Start from the beginning