Chapter 39- Aftershock

313 30 2
                                    

WSA ORG

"Tahimik! Tahimik!",sigaw nung president ng org. Nagsitahimik naman ang mga estudyante.

 "Lumabas na kayong lahat!"

"Bakit???"

"ANo daw?"

"Bakit?!!"

"Magpapractice na ang banda natin... at sa tingin ninyo ba makakatulong ang ingay ninyo?!!! Labas!!!",naglabasan naman ang lahat at ang natira na lang eh yung lima saka si president

"Cyrus..Ikaw ang leader..siguraduhin mong tayo ang mananalo"

Tumango lang si Cyrus

"O siya sige .. magpractice na kayo",at lumabas na ang president

Katahimikan...

"Magpractice na",seryosong sabi ni Cyrus saka isinukbit ang gitara

Ganun din ang tatlo, pumwesto na sa kani kanilang instrumento

Hindi kumikilos si Rachel

"ANO PANG ITINUTUNGATUNGANGA MO DIYAN??!!"

Nagulat si Rachel sa pagsigaw ni Cyrus

"Ah.."

San ba ko?

"DITO KA!!!",turo ni Cyrus sa tapat ng isa pang mic

Napatingin ang tatlong lalaki kay Cyrus

Dalidaling pumwesto si Rachel sa tapat ng mic

"Nai email naman sa inyo ni Daniel ang music sheet di ba?"

"Yup",Ivan

Tumango lang si Kester

"Ha? Wala akong-",naputol ang sasabihin ni Rachel kasi tumugtog na si Cyrus

1..

2...

3..

Kanta!

Napatingin ang lahat kay Rachel

"ANo yon? ANO???!",sigaw na naman ni Cyrus

"Hindi ko kasi.. nacheck ang email ko eh.. kaya.. hindi ko alam ang kanta.."

Napahawak sa ulo si Cyrus

"Cyrus.. chillax lang pre.. bago pa lang si Rachel",DAniel

Tinitigan ni Cyrus ng masama si Rachel

Si Kester naman ay nakatitig kay Cyrus

"M-mag break time muna tayo",Ivan

"oo! Tama yon! M-may dala kong pagkain",Daniel

Napayuko na lang si Rachel.

INabutan ni Daniel ng soda si Cyrus kaya hindi na ito nakatitig kay Rachel

"Pre.. Kalma lang..Bakit nagkakaganyan ka na naman?",mahinang sabi ni Daniel

Si Rachel naman ang inabutan ni Daniel

"Salamat.",matipid na ngumiti si Rachel

"Alam mo na.. Ganyan talaga si Cyrus.. Masasanay ka din",bulong pa ni Daniel

"Sanay na nga ko eh"

"Haha.. Talaga lang ha....AH! pakisabi na lang kay Kaira late ko na siyang mahahatid mamaya"

Tip # 3 (COMPLETED)Where stories live. Discover now