Chapter 32 *doubt*

61 6 18
                                    


3rd person's POV


Ilang araw nang nag hahanap si Sachi sa kasuluk sulukan ng bahay nila na nasunog pero wala siyang nakita kundi abo at maiitim na bakas ng apoy. Pumunta naman siya sa condo niya na ngayon ay di na niya masyado natitirahan dahil lagi siyang wala ay itinaob na niya para lang mahanap ang RF pero talagang wala. Kaya bumalik siya sa opisina niya at nagbabakasakali na andun iyon at naisingit lang niya.


Imposible eh! Saan ko ba nailagay iyon!


Liyong liyo na ang utak niya sa kakaisip kung nasaan ang dalawang another tube pa ng RF at ang papers na naglalaman ng mismong formula at paano gumawa noon at iba pang info tungkol doon. Hindi na niya maintindihan kung bakit nakalimutan niya ang pinagtaguan niya noon, hindi niya maalala kung saan niya ba nailagay o naitabi. 


"Tol, baka naman nasa States?" nagulat siya sa suhestyon ni Lift pero siningkitan niya lang ito ng mata kaya hindi na uli ito nagsalita pa.


Sachi's POV 


"Sa mga lugar na gusto mong puntahan noon wala ba doon?" si Light.


Umiling lang ako. "napuntahan ko na lahat"


"As i remember before... You always with Ray dhen and actually sabi mo sa akin doon ka na natutulog. Naalala ko pa na tumira ka doon ng halos isang buwan--" mabilis pa sa alas kwatro ang ulo kong napalingon sakaniya at napanganga.


"Thanks bro!" tumayo ako at niyakap siya. 


Shit! ang talino mo talaga!


Bigla bigla nalang akong umalis ng office at kumaripas ng takbo sa elevator para umalis ng IDA nang may makasalubong akong bulto na nakahood. Nakahood? Teka bawal yan dito ah!




Nilingon ko ang bultong iyon at-- "hey!"


Pero hindi tumigil ang taong iyon bagkus dire diretso lang sa paglalakad kaya sinundan ko. Lumiko siya sa restroom at pumasok sa ladies room. Napatigil naman ako kasi hindi ako pwede doon, bukod sa babae ata yun ay lalaki naman ako.


Tumambay ako sa labas ng restroom kahit kating kati na akong umalis. Nakakailang minuto na ako at nakailang babae na din ang lumabas ng mapagtanto kong mukhang naubos na ang halos lahat ng babaeng kasabay noon pumasok.


"Ah, miss" harang ko sa huling babaeng lumabas.


"May tao pa ba sa loob?" tanong ko, tss mukha akong tanga nito.


"Wala na eh. Bakit?" namangha naman ako ng sabihin niya iyon.


"Eh miss wala ka bang nakitang bulto sa loob na nakahood?" sinisilip ko ang restroom kahit ang totoo ang nakikita ko lang ay cubicle.


"Wala eh" kibit balikat ni ate. 


"Miss pwede mag request." nginitian ko yung babae at kinindatan.


"Ano naman yun?" inirapan ako. Wow snob ang kacute-an ko


"Samahan mo ako sa loob. Titignan ko lang kung wala talaga siya--" natigilan ako ng may kumalabog sa loob ng restroom. Hindi ko na inintay ung babae at tumakbo na ako sa loob ng--




pagbubuksan ko ang mga pinto ng bawat cubicle at sa bawat pag bukas ko ng cubicle ay parang may nararamdaman akong tao na nagpapalipat lipat sa bawat cubicle. Sinilip ko ang taas at baba ng cubicle sa pang huling pinto nang may marinig akong nagflash.


Hey, Our Label Is UnknownOnde as histórias ganham vida. Descobre agora