Chapter 20 *Bad*

92 9 23
                                    

Chapter 20 *Bad*

A/N: sorry kung wala akong ud kagabi pero eto nag gawa na ako para sainyo keep reading! Salamat ng madami :)

Song for this chap: please play "Bad- The Cab"

Sachi's POV

Pagkagising na pagkagising palang ni Karen sa ospital agad na din siyang nagpadischarge. Ang nakakagulat pa, ang sabi ng doctor nag improved daw ang vital signs niya at nakatulong daw ang paglaban ni Karen sa kahinaan, ang resulta lumakas ang katawan niya.

Isang araw lang kaming tumigil sa bahay nila at ngayon ay naglalakbay na kami para ituloy ang naudlot na bakasyon nung birthday ni Karen. Syempre kasama na namin si Blossom, mukhang madadagdagan na naman ang aming tribo.

Napag alaman namin na pamangkin ni Karen si Blossom, anak ni Nic kakambal ni Vic na umepal sa ospital. May tatlong anak si tita Loleth na tinatawag ni Karen na Lola. Iniwan ni Tita ang mga anak niya at isinama lang si Marfz para mag alaga kay Karen, ewan ko pero feeling ko galit sila dahil mas pinili pa daw si Karen kesa sa kanila.

"Kuya Tang, ang lalim naman ng iniisip mo?" Nawala ako sa pag dadaydreaming ng kalabitin ako ni Blossom.

"Ayan na naman tayong dalawa eh. Sachi nga kasi" lumuhod ako at pinantayan siya bago hinawakan sa ulo.

Kahit naiinis ako sa batang ito, hindi ko naman magawang magalit. Lalo na kapag nakikita ko ang green yang mata, para bang nahahatak niya lahat ng nararamdaman mong sakit.

"Dun po tayo kakain daw" hinila niya ako sa kamay at tumakbo kami papunta sa mga tropa ko. Muntik pa akong masub sob dahil sa batang ito.

"Pabebe ka talaga Sachi" tss, kumain ka nalang Rosh.

"Oh asan si Karen?" Asan nga yun?

"Baka nag muni muni lang. Nag iwan ng note eh" kinuha ko iyon at may nakasulat na..

Gimme 20 minutes..

Tss 20 minutes 20 minutes. Ano nàman kaya gagawin non? Iniwan ko muna si Blossom sa mga ito at kinuha ang phone ko. Tatawagan ko na lang ng makakain na ako.

Nakakatawa ba? O abnormal akong di makakain mag isa. Nasanay lang kasi akong sabay kami sa tagal ba naman naming magkasama.

Tumutunog na ung phone pero di niya sinasagot. Wala naman akong marinig na tumutunog sa yate. Hay naku! Nag silent ng phone. Abnormal talaga nun.

"Asar"

Dinial ko uli at ganun pa din ang nangyari. Tss, bwisit talaga. Ang pasaway talaga nun!

Umupo nalang ako sa table at nag start na din kumain ng naka-busangot. Ewan ko naiinis ako na binabalewala ako ng babaeng yun. Hay naku.

"Patay na nga yung isda pinapatay mo pa" banat ni Lift bago niya isubo ang talong.

"Alangan namang buhayin ko siya. "

Seryoso ako oo. Seryoso talaga ako. Dahil di ako mapakali tinawagan ko uli. At nakakaasar na di niya talaga sinasagot. Ang pilya ng babaeng iyon.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng lumabas na siya sa lungga niya. At walang ka aamok amok na di tumabi sa akin kahit iyon na ang nag iisang upuan na bakante. Wow ha, di niya ba alam na nag aalala ako?

"Karen, dito ka umupo" mahinahon kong sabi pero nakasimangot ako.

Biglang naging tahimik ang paligid at napansin kong di pumunta sa akin si Karen bagkus pumunta siya sa tabi ng kambal at nakipag siksikan doon.

Hey, Our Label Is UnknownNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ