Chapter 54: Preparing everything

235 6 0
                                    

Chapter 54

(Jam's POV)

Ngayon na namin inaayos lahat ng kelangan ayusin para sa birthday celebration ni Nicka.

She's now turning 17. ang tanda no? yet, she's our baby. childish kasi yan e. sobra!

2days pa naman bago yung actual birthday celebration for her pero inaayos na namin para sigurado.

Wala syang alam tungkol dito, siguro nga iniisip niya na di namin siya naaalala kasi this past few days, di namin sya pinapansin.

Ewan ko din, ang daming pakulo ni tita Mycka e. Akala mo teenager.

"Jam? Asan na yung staffs natin?" -tanong sakin ng mahal kong girlfriend

"parating na daw" -busy ako sa kakakain e

may groups kasi kami ngayon. Rose, Daryl at Bernice ang kasama ko sa venue at desings. Coline, Angel, Luke at Rick para sa foods. Then si Kris, Kristian at Mark para sa live band, sound systems at light effects.

Hindi naman kami mahihirapan kasi may mga staffs kami. Syempre may organizer din kami no! Tutulungan lang namin sila.

"Jam tara nga dito!" -tawag ni Kris

"Oh?" -sabi ko nung naka-lapit na ko sa kanya.

"Si Jaycee ba hindi talaga babalik?" -tanong ulit niya

"Di ko rin alam, ang tagal ko na ding hindi nakita yun e."

"Ah. Sge salamat."

Oo nga, na saan kaya nagsuot yung Jaycee na yun at hindi na nagpaparamdam.

Malapit naman na palang matapos lahat ng to e. Okay na yung venue at designs. Tapos na rin yung soun systems at light effects.

May magc-cater nadin para sa foods. at yung live band? sila Kris lang naman daw yan at special guest e.

Parang gusto ko na atang birthday na ni Nicka! parang debut party kasi tong plina-plano ni tita Mycka e

May 17 roses, wishes, and special guests. So kung ganun, ang dami ngang babalik?

"Tita? bat ang dami ng special guest? Sino ba mga yan?" -rinig kong tanong ni Angel

"Secret! Walang clue, baka masabi niyo pa kay Nicka!" -si Tita Mycka naman nag-poker face pa

Tapos na lahat, natapos yung mga gagawin ng wala kaming ginawa. Tss. babayaran naman ni tita Mycka lahat e. Okay na yan!

Sana naman dun sa mga babalik sa buhay ni Nicka, kasama si Jaycee. That could be the greatest gift for her. Ever!

(Jaycee's POV)

Wag na kayong magalit. Mahal ko lang talaga si Nicka at ayaw ko na siyang mawala sakin kaya ko ginawa to.

Matagal din akong di nagpaparandam sa kanila kasi nga sadya akong umiiwas sa kanila.

Bukod sa akin at kay tita Mycka, si Daryl at Kris nalang ang may alam dito. Di ko kasi kayang sarilinin yung sakit kaya sinabi ko na din kay Daryl.

Sobrang hirap para sakin na iwan yung taong mahal ko. Pero kelangan kong gawin para din naman samin.

Alam kong nasaktan ko siya at nasasaktan pa. Ako rin naman e. Yun nga lang mas masakit sa kanya kasi di niya alam yung dahilan.

Di ko alam kung handa na ba ako, pero magpapakita na ko sa kanya. Magkikita na kami ulit. Makikita ko na siya.

Nandito nga pala ko sa mall, kasama ko si Reeza. Yung babaeng kasama ko rin nung araw na nakipag-break ako kay Nicka.

Nagpasama lang naman siya e. Wala naman kasing kaibigan to dito. Galing ng Japan tong isang to e.

Papunta kami sa isang shop. "KR" to be exact. Yung botique ni Kristian? Dito rin madalas si Nicka e. Makita ko kaya siya dito?

"Onee~ I'll buy a dress, sama kami ni Yuki sa party na pupuntahan mo ha?" -She's acting like a brat again.

"sa susunod na araw pa yun" -walang buhay kong sagot.

"I don't care. Basta kasama kami" -she insisted.

*boooogsh*

Oh gosh! I bumped into someone!

"I'm sorry miss" -sabi ko na lang.

di ko makita yung mukha nya kasi nakayuko pa siya at inaayos yung damit nya.

"Nah. Its fine" - I am amazed when I saw her smile again.

How amazing she is. Wearing a simple dress wearing her innocent face.

God! How I miss her.

Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang halikan. Grabe, ang tagal ko siyang hindi nakita ng ganito kalapit.

"Oh! Jaycee?" -nabalik ako sa katinuan nung narinig ko yung boses na yun.

Bakit niya kasama si Paolo? Sila na ba? Sana naman hindi. Sana ako pa rin.

"Hi Jaycee. Remember Paolo? My boyfriend" -she smiled after saying those words.

Shit!! yung puso ko parang dinudurog! Ang sakit. Siguro ganito kasakit nung pinakilala ko si Reeza sa kanya na girlfriend ko.

"Hi Ate Nicka, tanda mo pa ko. Nga pala p--"

"Girlfriend ko Nicka" -pinutol ko sinasabi ni Reeza panigurado naman na madudulas to e.

"I know, so pano? Una na kami ha? Pupunta pa ko sa bahay nila Paolo e." -anong gagawin niya dun?

"Sge" -yan na lang yung nasabi ko. Parang dinurog yung puso ko!

Ang sakit.

(Nicka's POV)

Nandito ako sa mall, sinasamahan ko lang mamili ng dress tong si Paolo, regalo lang daw niya sa girlfriend niya.

Sakto naman na naalala ko yung KR kaya dito kami bibili.

*booooogsh*

Ang kaso, parang mali ako ng pasya na dito na lang bumili.

Nabunggo ko si Jaycee, at kung malas ko nga naman kasama niya girlfriend niya.

"Hi Jaycee. Remember Paolo? My boyfriend" -nasabi ko yan kasi ayokong magmukhang di pa naka-move on.

Shit!! yung puso ko parang dinudurog! Ang sakit. Gustokonf sabihin sa kanya na Mahal ko pa siya, kaso desperada ng dating.

"Hi Ate Nicka, tanda mo pa ko. Nga pala p--"

"Girlfriend ko Nicka" -bat nya pinutol sinabi nung babae?

"I know, so pano? Una na kami ha? Pupunta pa ko sa bahay nila Paolo e." -palusot ko na lang para maka-alis na.

"Sge" -yun lang yung sinabi niya.

grabe ang sakit, parang wala na nga talaga siyang paki-alam sa akin.

Nung makalayo na kami kela Jaycee, naluha na lang ako bigla. Ang sakit e. Sobrang sakit.

"Pao? Sorry ha. Nasabi kong boyfriend kita. Hahaha. Sge una na ko." -bago pa ko maka-alis niyakap niya ko.

"Hay nako. Alam mo Niks? Di mo naman kelangan itago sakin na nasasaktan ka e. Pag kelangan mo ng iiyakan tawagan mo lang ako. Sge na uwi na!" -ginulo niya yubg buhok ko sabay tinulak ako ng konti.

"Thanks Pao~!" -sabay lakad ko na palayo.

Di ko alam kung saan ako pupunta, pero siguro uuwi na lang nga talaga ako.

----*

a/n: Sorry sa lame update, pati din sa grammar. Thanks.

Changing a Heart Breaker's LifeWhere stories live. Discover now