Chapter 51: Let's end this

882 4 0
                                    

Chapter 51

(Daryl's POV)

Malapit na matapos lahat. As in lahat. Di ko alam kung pano niya tatapusin pero sabi niya.. iiwan na niya. Hindi ko lang alam kung sa paanong paraan niya tatapusin lahat.

Haaaaay. Nakakasakit sa ulo isipin lahat ha. Ang hirap isipin kung bakit at pano nya tatapusin. Di ko rin kasi maintindihan minsan yung taong yun ehh. Pero hayaan na lang. Desisyon nya yan ehh. Enjoyin ko na lang tong lakad namin.

"Bernice?" -katabi ko siya ngayon eh. Wala outing lang ulit ng barkada.

"Oh bakit?" -tanong niya sakin ng di ako tinitignan.

"Wala. Iloveyou lang" -haha. Di man sya lumingon alam kong kinilig yan. Di na nagsalita ehh.

Kung gusto niyong malaman kung saan kami pupunta, dun lang sa province nila Jam. Wala na naman kasi kaming magawa eh. Di naman na gaanong busy sa school kasi malapit na matapos.

Nakasakay kami ngayon sa Van. At dahil si Jam lang ang may alam kung paano pumunta sa province nila, sya nalang rin ang nagdrive. Siya lang din ang may lisensya samin ngayon ehh.

Magkakatabi lang naman ang couples e. Lahat kami nandito, pwera na lang kay Jaycee. Hindi ko rin alam pero di na nga namin siya nakakasama nitong mga nakaraan. Hmm. Si Nicka? Ayan, akala mo tuloy namatayan.

"Nicka!" -tawag sa kanya ni Coline.

"Bakit?" -walang buhay nyang sagot.

"Balita ko kasi, maraming gwapo dun kela Jam. Hahaha. Sama ka ha! Maghahanap kami ng lalaki nila Angel e" -aya ni Coline.


Alam naming mga lalaki na sinabi lang naman ni Coline yan para mapagaan ang loob ni Nicka kaya hinayaan na namin siya.

"Hahaha. Loka! Manlalalaki kayo sa harap ng mga boyfriend nyo?" -ang fake ng tayo nya. Halata naman

"Odi pag talikod nila mag boy-hunting tayo. Hahaha. Sagot ko gimik at lugar" -prisinta naman ni Bernice

Okay lang. I know that they are only trying to cheer-up Nicka. Pasaway kasi yan. Isa ring mahilig magtago ng nararamdaman ehh.

"Itigil nyo na nga yan. Andito pa kami o. Mamaya niyo na pag-usapan yang mga lalaki kapag wala kami" -isa ring sakay sa drama tong si Mark.

"Sungit niyo kasi kaya hahanap kami ng iba" -sagot ni Kristian.

Hahahaha. Kung alam lang nila kung gaano ako natatawa sa pinaguussapan nila. Mga pasaway.

"Ewan nga. Inaantok ako, gisingin niyo ko kapag nakarating na tayo dun ha? Wag na din kayong maingay!" -sabi ni Nicka sabay yakap sa dala niyang unan at pumikit na lang.


Mahaba-haba pa naman yung byahe kaya makakatulog pa sya ng matagal. Pahinga na rin at para di nya maalala na wala si Jaycee.

(Angel's POV)

Ugh!! Yung pinasan koooo!! Ay namin pala. Nakakainis na Jaycee yan! Kung di niyo kasi naitatanong. Monthsary po nila ng pinsan ko! Tss. Sge nga panung hindi malulungkot tong babaeng kasama namin kung wala yung boyfriend nya sa mismong araw nila.

Naiinis talaga ko. Wag lang magpakita sakin yun sasampalin ko talaga ng ubod ng lakas yun! Makabawi man lang sa pagpapaiyak kay Nicka!

Alam naman namin na kahit tumatawa yan sa harap namin, nasasaktan sya sa loob niya.

"Oyy. Seryoso kayo na hahanap kayo ng ipapalit samin? Dito niyo pa talaga pinagusapan!" -alam niyo yung boyfriend ko, di ko alam kung tanga o engot.

Changing a Heart Breaker's LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon