Just One Lovely Night

2.5K 85 21
                                    

Nagising si Karylle nang nakatihaya siya't tuwid na tuwid ang pagkakahiga. Hindi niya usual na pwesto ang ganito kaya nanibago siya. Pinatay niya ang alarm na na-set sa cellphone niya at nakita ang reminder na kitang kagagawan ni Vice.


Mama <3,

Nagawa ko na yung hair and make-up mo habang tulog ka. Naibagay ko na sa motif. Sabi nina Girlie, maroon daw. Magbihis ka na lang at baka makarating kami diyan by 12:00MN.

Hintay mo ko. I love you!

<3 Dada



Nakornihan man, may kurot ng kilig siyang nadama sa nabasa.


Ngiting-ngiting tumayo paharap sa salamin si Karylle at namangha kung paano nagawang ayusin ni Vice ang buhok niya habang tulog siya. Ang tigas-tigas pa, halatang binudburan siya ng spray net. Yung mukha niya, ang ayus-ayos din ng pagkakagawa. Natatawa man sa ideyang 'boyfriend' niya mismo ang gumawa nito sa kanya, nata-touch din siya isipin ang lahat ng effort na ginugugol sa kanya ng nobyo. Tanging hiling niya lang, 'Sana magtagal 'to'. Marami kasing lalaking sa umpisa lang magaling.

But in all fairness sa consistency ni Vice, at sa gender na rin niya mismo... pwede na siyang exception pero mas mabuti nang aware. Kesa umasa ng todo-todo, tapos sagad din naman sa sakit pag di natupad ang mga expectations bandang dulo.

Sinosoot na niya ang heels niya at ang halter niyang damit habang ang lalim pa din ng tulog ni Colbie. Nagse-selfie pa siya nang maramdamang nagising na ito. Dito na niya pinalitan ng diaper, pinadede at pinalitan ng bistidang pormal si Colbie. May dala talaga siya, at sumakto din namang pasado sa motif ng kasal. Nagdala talaga siya kahit para sa sarili niya dahil alam niyang may reunion at baka nga naman kailanganin niya ang mga iyon.

Yun nga lang, iba ang kulay ng cocktail dress niya... di pasok sa motif ng kasal.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




K absolutely loved the dress, ang kaso... nai-imagine na niya kung magkano ang presyo nito. Naka-rollers pa ang buhok niya kaya tinanggal na niya ang mga iyon para makita ang kalalabasan. Pakiramdam niya, nagmukha siyang si Andromache o si Helen ng Troy dahil sa naging ayos niya. Lalo pa't bitbit niya si Colbie.. Pakiramdam niya, papasa na siyang isa sa characters ng Greek mythology.

Habang wala pang damit si Colbie, nagtimer siya sa cellphone niya at kinandong ito. Nagpicture siya ng kunwaring portrait. Nawi-wirduhan man sa tita niya ay walang imik si Colbie at naglilibot-tingin na lang. Nang matapos sa tatlong shots, binihisan na niya si Colbie.

Si Colbie naman ang pinicturan niya ng solo.

Shina-shotan niya pa si Colbie nang magring ang phone niya. 

BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon