Invisible Strings

1.8K 82 48
                                    


"Tara na, luto." Naka-ngusong untag ni Karylle habang nakapatong ang kamay sa braso ni Vice sa mga balikat niya.

"Tara."


"O, bitaw na?" taas-kilay na usal ni K habang nakikiramdam sa mga braso sa balikat niya.

"Ayoko. Tayo ka, dito lang ako. Kala ko gusto mo magluto? Luto ka na, ok na ko dito." Anya ng inaamoy ang mga tinataas niyang strands ng buhok ni K.

"Nice. Manliligaw ka kamo tapos---"

"Ang gulo mo rin, kanina gusto mo magluto?"

"Gusto ko magluto, pero ayoko ng may magulo sa likod ko."

"Paanong gulo? Ganito ba?" tanong ni Vice sabay kiliti sa tenga ni K gamit ang mismong dulo ng buhok ng dalaga.

"Tsk! Ano ba?" maarteng piglas ni K.

"Luto mo 'ko adobo. Nahiwa ko na yung onions." bulong nito sa tenga ni Karylle, dahilan para mapa-jerk away ang dalaga dahil nakiliti na naman ito sa ginawa niya.

"Viiiiice." pa-ungol na iwas nito sa kanya dahil nanghihina na rin ang tuhod ng dalaga.

"Huy huy huy, K! Luh? Kaloka, wala pa 'kong ginagawa sa'yo!"

K laughed at mahinang tinulak ang pisngi ni Vice palayo sa kanya.

"Alelelelele! Kilig na kilig din e?"

"Ewan ko sa'yo!" sigaw sa kanya ni K saka siya muling tinalikuran ng pulang-pula sa katatawa. "Asan na yung bawang?" nahihimasmasan nang tanong ni K.



Inabot lang ito saglit ni Vice habang nakahawak pa rin ang isang kamay sa bewang ni K, at pagkabalik, sa bewang na siya yumakap, saka pinatong ang baba sa balikat ni K.

"Ang clingy mo."

"Love kita eh." naka-pout na usal nito sabay tuka sa leeg ni Karylle.

"Vice!"

"Bakit ang init mo, girl?"

"Stop it!" she groaned, kasunod ay ang pagtili dahil sa malakas na pagtalsik ng mantika mula sa kawali.

Lumayo ito ng sobra sa kawali, at nagtingin-tingin sa paligid.



"O, baka magpayong ka pa, girl?" tawa ni Vice sa reaksyon ng dalaga.

"Kaya ko to." With fighting spirit na sinabi ni K sabay lapit ulit sa kawali na may hawak nang takip ng malaking-malaking kaldero.

"Ano yan?" kunot-noo pero natatawang tanong ni Vice.

"Shield." Ani K, at nagpatuloy na sa paggigisa. Sinunod niya ang sibuyas, at agad niyang tinakpan para hindi magtalsikan sa kanya yung mantika pagkalagay.

"O, sige, paano mo gigisahin ngayon yan? Nakatakip na. Ako na nga!"

"Ayoko, kaya ko. Sssh!"

Vice endearingly stared at her, at tinawanan na lang siya. "Eto, tumungtong ka." anito sabay lapag ng bangko sa likod ni Karylle.

"Tungtong? An--"

Hinapit siya sa bewang ni Vice, binuhat at parang manika lamang na ipinwesto sa ibabaw ng tungtungan na naiayos niya na rin ng posisyon.

"Ang taas ko. Haha!"

He looks at her like she's the cutest thing he's ever seen. Tumawa siya at paharot na kinurot sa tagiliran si Karylle. Kumisay lang ang dalaga habang sinisilip ang kalagayan ng bawang sa loob ng nakatakip na lutuan.

BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon