Shopping

1.3K 81 10
                                    


"Yieee! Tapos na maligo si Baby! Pa-smell nga! Hmmm! Smelling good!" papuri ni Karylle habang binibihisan ang pamangkin.

"Karylle..." rinig niyang tawag ni Vice mula sa baba. Paakyat na ata ito ng hagdan.

"Oh?" pasigaw niyang tugon para marinig ni Vice.

"Tla-tla-tla-tlaaaa!"

"Hanu, Colbie, ha? Tla-tla?"

"Tla-tla-tla-tla Brrrrr!" panggigigil nito habang kinekwento kay Karylle ang lambot ng twalya niya (?)

Kinukuha na ni Karylle ang twalya kay Colbie pero nakikipaghatakan ang sanggol sa kanya. Nagpa-pout pa siya kay Karylle at umaarteng iiyak sa tuwing medyo mananalo na sa tug-of-twalya si Karylle.

Karylle ------<towel>----------Colbie

"Tla-tla-tla-tla ***weep***" Nagpupunas pa kuno ng mata ang ...hmmm... toddler?  "Mamamamama Uhaaaaaaaaaa~!!!"


Karylle----------------<towel>----Colbie

Tumatawa na si Colbie at tinitingnan si Karylle tas ngangatngatin ang twalya tas ang saya-saya na niya.


Hinila muli ni Colbie ang twalya.

Nagbabadya na ang iyak sa mukha ng sanggol.





"Napalista ko na si Colbie kay Doktora. #28 daw." wika ni Vice habang papalapit ng kwarto nila.

"28?" tanong ni Karylle habang nakikipaghilahan pa din kay Colbie ng twalya.

Saktong dating ni Vice sa kwarto niya kaya nakahalukipkip itong sumandal sa gilid ng pinto, may dalang sandok. "28."

"OK sige, thank you."

"Gawa niyo?"

Nagtatawanan pa sina Colbie at Karylle habang iyak-tawa pa si Colbie dahil nakabase sa lokasyon ng twalya ang emosyon niya.



"Tama na, Baby. Bihis na. #28 ka pala." Nagtaas si Karylle ng komportableng spaghetti-strap na sando  at white floral bubble skirt.

Tumatalbog pa si Colbie habang inaalalayan ni Karylle papatayo. Nung mabibihisan na siya, sadyang tumumba ito sa kama, at tuwang-tuwa nung nagbounce siya.

Sabay na natawa sina Vice at Karylle.

"Colbie.... Tara na dali."

Tatayo ulit si Colbie, pero di niya pa kaya kaya gagapang papunta kay Karylle... tapos magpapa-alalay tumayo.... tapos tumba ulit. Sabay anlakas na naman ng hagikhik sa dalaga.

"Ayaw mo talaga---uyuw mu mugpubihis huh?" panggigigil ni Karylle sa sanggol habang kinikiliti ito. Tumili lang si Colbie. Nasuotan na siya ng diaper ni Karylle. Naisuot na rin yung palda. Ang gulo pa din kaya di maisuot ang sando.

"Tsk. Colbie. Dali, bihis na." saway  ni Vice.

"Luh. Galit na si Tito."

"Daddd-ddd-dd-d"

"Bihis na." ma-otoridad na sabi ni Vice.

"Lakuuuut!" bulong ni Karylle.

Nagtaas ng kamay si Colbie at mabilis siyang nabihisan ni Karylle.

BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon