Le Senyales De Bountisé

1.7K 45 0
                                    

AUTHOR'S NOTE:

My dear siblings... if in case you're wondering why sina Vice and Karylle ang nasa cover and yet almost all the while, BiCol ang focus ng chapters nito... please take note that they shall be playing a vital role in this story. Sa mga nakanood na ng "Life As We Know It", you know what I mean. Kahit sa trailer ninyo lang sa media ng Chapter 1 nito napanood... mage-gets niyo na po yun. Isa lamang po itong maikling paalala kung mayroon mang naguguluhan o nagugulumihanan. Maraming salamat po at maligayang pagbabasa!


Choz. Bwahahah! Thanks. ;)

——————————————————————————————————-



Signs That The Woman is Pregnant

                -Alex G.


1. Frequent Trips to the Bathroom. (Kasi may dumidiin na sa bladder mo. Actually, effective to pag malaki na tiyan mo, pero try mo na rin.)


"CR muna ako ha?" paalam ni Coleen pagkapasok nila sa isang mamahaling restaurant. Pinadala muna ni Coleen ang bouquet niya kay Billy. Pumunta na si Billy sa pina-reserve nilang upuan.

Pagbalik ni Coleen, umorder na sila.

"Asparagus Stew. McGregor's Salad... Leche flan. Babe?"


2. Kung naglilihi ka, wag mo na itago sa kanya. (Wag ka magpabili ng magpabili, baka sabihin, pineperahan mo siya. Sikat yan diba? )


"Gusto ko ng talong."

"Talong?" tiningnan ni Billy ang menu.

"Bagoong."

"Binagoongang talong?"

Naka-pout na tumango si Coleen.

Nagkatinginan si Billy at ang waiter. "May talong ba kayo?"

"Yung Beef A La Gourde po... may kasamang talong dun."

"Gusto ko binagoongan." Malungkot na wika ni Coleen.


"Special request, may ingredients naman po kami diyan, Chef's price na lang po."

"Buti naman. Desert, babe? Salad?" maamong pakikipag-usap niya kay Coleen. Binaba na niya ang nenu niya at tumingin na lang sa magandang noo ni Coleen habang ang mukha niya ay natatabunan ng menung hawak.

"You have Eggplant Sharshadawm?"

"Ano yun?" Takang tanong ni Billy.

"May kasamang roasted shawarma meat yun.. pero salad siya... medyo spicy. Kinain namin dati yun ni Mommy."

"Meron kayo nun?" tanong ni Billy sa waiter at tiningnan na lang ulit ang sarili niyang menu. Hinanap niya sa lahat ng course bukod sa salad.

"Wala po, sir eh. Ma'am, sorry po. Ayan lang po ang meron kami, pasensya na."

"Babe, gusto ko ng Burger Burritto."

"Sa kabilang resto po yun, Ma'am." Nakangiting sabi ng waiter.


Hawak pa rin ang menu, tiningnan ni Billy ang waiter at si Coleen.


BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon