Listen

1.4K 65 2
                                    

Nagtataka man si Vice sa ikinikilos ni K ay di na niya ito pinansin. Ang agad na nakapukaw ng atensyon niya ay ang temperatura ni K gawa na rin ng matagal na pagyakap niya dito.

Kumalas si K at kinuha si Colbie na nakatulog na pala sa tahimik na pagkakakarga ni Emmy. Tahimik siya hanggang makaakyat ng hagdan at makapasok sa kwarto.

Gusto man ng mga natirang kaibigan ni K na i-interrogate si Vice dahil sa mga nangyayari, hindi na nila nagawa dahil nangibabaw ang pagkalito nila sa biglang di mawari kung pagod lang ba, pagkabalisa o kahit anong rason ng biglang panlalata ni K. Posible din naman kasing dahil lang sa bukod sa namomroblema na, may sakit pa. Di din naman maikakailang mukhang lumiwanag ng kaunti ang aura nito sa pagdating ng baklang kaibigan. Gayunpaman, ang tamlay niya pa rin, compared to the usual.

Minabuti na lang muna ni Vice na hayaan si K makapag-isa dahil hindi ganun katino ang huling tagpo nang katukin niya ito dati sa kwarto.

"Dinner na... Pabababain na ba natin si K? Kanina pa yun ah?"

"Oo nga." Sagot ni Trixie kay Jass habang nakatingin sa orasan.

"Baklita. Akala ko may salon kang tiba-tiba kapag Sabado at Linggo? Di ka pa ba uuwi?" –Jass

"'To si Jass. Umayos ka nga!" Mahinang saway ni Emmy.

"Nagtatanong lang naman." depensa ni Jass.

"Ano pa ba problema ni K?" naguguluhang tanong ni Trixie. Buong araw na si Vice ang nagluto at gumawa ng mga paglilinis na usual na ginagawa ni K pag okay siya. Kanina pang sumusubok mangkatok ng kwarto sina Jass kay K pero di ito nasagot. Nakakarinig lang sila ng TV. Naiisip nilang depressed ito dahil pa rin sa naikwento kanina.

"'Yan talagang si Karylle, ang hilig magsolo ng problema." Patampong bulong ni Jass.

"I really don't get kung bakit ayaw niya pa magreport sa pulis." Wika ni Trixie ng naka-dekwatro sa isang one-seater sofa at naka-cross arms na halatang malalim na nag-iisip.

"Malalaman nga daw ng kuya niya diba?" ismid ni Jass habang nakahilata sa sofa at walang kiyemeng hinihigaan ang hita ng head ng team nila na si Sir Kean kahit pa kanina pa siya pinapaalis nito.

"At bakit? Paano? Kasama ba yung kuya niya sa iiinterrogate eh wala naman dito? Tsaka --- tss. Ang hirap basahin ni K." –Trixie


Palipat-lipat lang ng channel si Sir Kean sa TV.


Tapos na magluto si Vice kaya't tahimik na siyang naghain, dahilan para marinig niya ang pinag-uusapan nila sa sala.

Di – gaanong kalakasan ang volume ng TV kaya kahit papaano'y naririnig niya ang usapan ng mga babae. Pag masyadong mahina na nga lang... hindi na.


Patay-malisya niyang inimbitahan ang mga kaibigan ni K para kumain na at nagturuan naman ang tatlo kung sinong tatawag kay K. Wala naman kasi itong pinagbuksan sa kanilang tatlo kanina.

"Alangang si Sir Kean?"

"Tayong tatlo." -Trixie

"Vice?" taas-kilay na suhestiyon ni Emmy, habang patanong na tinitingnan si Vice.

Nanlaki naman ang mata ni Vice dahil huli na yon sa mga gugustuhin niyang gawin sa paglalagi niya ngayong araw sa bahay ni Karylle. Gusto na nga sana niyang umuwi kanina dahil baka dahil sa kanya kaya hindi nalabas ito, pero mukhang hindi naman kasi niyakap pa nga siya pabalik kanina. At kahit parang medyo mainit kanina si Karylle... hindi siya sigurado kasi hindi naman sobra... posibleng dahil naka-sweater lang. So, ano yun?

BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon