Something to Ponder

1K 37 1
                                    


Pagkalapag na pagkalapag ni Karylle sa mahimbing na natutulog na si Colbie...

Dingdong!!!

Oh sh**.

Gumalaw-galaw ang baby... Lahat na yata halos ng dasal mabilis niyang ni-rap sa isip nung mga oras na yun, wag lang magising si Colbie.

...

...

Oh my God, Oh my God. Please don't wake her up...

Hail Ma~

...

DING DONG!!!!

St. Peter, St. Louis, St. Patrick, St. Mark... >_<

...

...

Luckily, hindi naman nagising.

Tumunog muli ang doorbell at banas nang pumunta si Karylle sa gate. Pero pagdaan niya sa bintana, sinilip niya muna kung sino naroroon. Nang madaanan naman ang salamin sa sala, nakita niya ang haggard niyang itsura kaya naisip niyang magsuklay muna't ayusin ang sarili bago labasin ang bisita. Hindi pala ito ang kuya niya. Sinigurado niyang ok siya bago lumabas. Breathe in, breathe out. Kaliwa, kanan, anggulo? You're pretty, K.

"Hi!" wika niya in a very friendly way pagkabukas na pagkabukas ng gate.

Tinaasan lang siya ng kilay ng maldita. Inangat nito ang isang box na may checkered design at pinakita kay K. "Sa'yo o."

"Oh? Nag-abala ka pa. Heheh! Thank you!"

"Wag kang assumera, di sakin galing yan." Snaberang sabi ni Vice habang tinitingnan ang kabuuan ng bahay at ang kotse na wala sa tapat ng bahay. "Kuya mo?"

"Ah... Siya ba? Umalis eh. Sorry, balik ka na lang."

"Si Colbie?"

"OK naman."

"May virus ba 'ko?"

"Ha?"

"O may virus sa bahay ninyo?"

"Hey." Medyo nainis na si Karylle dahil sa tono ng pananalita nito.

"Di pwede pumasok?"

"Sorry. Come." Aniya habang nakangiting binubuksan ng mas palawak pa ang gate nila.

Pinapasok nga siya ni Karylle at itinuro din kung nasaan ang sanggol.

"Wait, pe-prepare lang ako ng juice."

"Kahit wag na, hindi ako magtatagal."

"Kakatulog lang niyan, kung mag-uusap tayo, dun tayo sa labas. Simula kagabi kasi iyak ng iyak yan eh. Si Coleen ba nagpapunta sayo?"

"Naisipan ko lang dalawin. Bakit, bawal ba? Inaanak ko din 'to diba?" malalim ang boses ni Vice na parang napakaseryoso.

Tinagilid ni Karylle ang mukha at tinitigan muli ng bahagya ang kausap. "May problema ka ba sakin?"

"Sinabi ko bang meron?" Tinanggal ni Vice ang shades niya at sinabit sa neckline ng puti niyang T-shirt. Dangkapal ng mascara... Shimmery pink lipstick. Tiningnan ni Karylle ang soot niyang pambaba. Ok, maong with holes. At.. Naka-paa?

"Gosh! Bat ka nagpaa, may slippers dito... Wait. Sorry ha."

Pag-alis na pag-alis ni Karylle ay dali-daling nilabas ni Vice ang camera niya't niletratuhan ang sanggol. Igad niyang sinend kay Coleen ang picture.

BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon