Oh No!...Oh No... Oh, No?

1.5K 59 2
                                    


"....K? Answers?" tanong ni Jas habang silang dalawa lang ang magkasamang nakasandal sa front door frame nina K. Nakatingin lang si K sa mga bato at halaman sa mini garden habang kinakausap sila ng alagang cockatoo sa taas.

"Magnanakaw, magnanakaw... ERR! ERR! Magnanakaw, magnanakaw!"

"Lecheng ibon yan, K. Patahimikin mo yan." Iritadong sabi ni Jas nang marinig ang sinasabi ng ibon at sa kanya pa talaga ito nakatingin.

"Di kasi sanay na nakikita ka dito." She laughed a bit as she spoke. "Di ko pa nga pala napapakain si Snow White."

"Snow White! Maldita. Kanina pa yan eh! Bat nung si Emmy nandito, hindi naman niya pinapansin?"

"KARYLLE!!" Sigaw muli ng ibon.

Sumagot naman si Karylle mula sa loob habang kumukuha ng pagkain, "Oh?"

"Magnanakaw, magnanakaw! Karylle! Weewooo~ Weewooo!" –Snow White

"Ipi-prito ko tong ibon na 'to eh."

"Hahaha! Easy, bebs. Di ka naman aanuhin niyan. Pasalamat ka nga, cockatoo ang nagagalit sayo, hindi aso eh."

"Magnanakaw, magnanakaw! KARYLLE!" di pa nakuntentong sigaw ng cockatoo. "Magnanakaw, magnanakaw! KARYLLE~! Weewoo, Weewooo KARYLLE!!!"

"Magiging chicken ka ng di oras, sinasabi ko sa'yo." Nakapamewang na singhal ni Jas sa kaaway niyang nakabitin malapit sa taas ng pinto.

Natatawang nilagyan ng feeds ni Karylle ang kainan ng cockatoo at ni-refill ang tubigan nito.

"Ayos din prinogram sa kanya ng kuya mo 'no?" sabi ni Trixie mula sa loob habang nililibang si Colbie. She makes faces, habang pinapadede ang baby. Napadaan si Emmy nang may dalang malaking Kirei, kaya't walang sabi-sabing humakot ng isang palad si Jasmine at isinubo ito. Patuloy lang sa paglalakad si Emmy para kumuha ng gatas sa kusina na parang walang nangyari.

"Thank you!" saad ng ibon bago mag-umpisa kumain. Sinara na ni K ang bukana ng birdcage. Ipinasok na niya muli ang cup na pinangsalok ng bird feeds kanina.

"Wow!" Trixie giggled.

Jass was left agape and dumbfounded.

"Mabuti pa yung ibon, marunong magthank you." Emmy smirked as she drank her glass of water. Pabalik na siya ng sala nang madaanan muli sa pintuan si Jasmine. "Oh baka pati ito, patusin mo din?"

"No thanks. Coke gusto ko. Kuha mo na lang ako, thank you!" Di siya pinansin ni Emmy, bagkus ay dumiretso ito sa patutunguhan sa sala.

Di makuntento sa isang channel si Kean kaya naman palipat-lipat ito sa UFC at balita.

"Nakakahilo ka manood, real talk." Casual na sabi ni Emmy habang nakain pa din ng Kirei. Hindi ito pinansin ni Kean at patuloy lang sa paglilipat-lipat ng channel. "If you can't choose what exact show you want to watch, well I have mine."

Di pa din siya pinapansin nito. Nilipat lang ulit sa UFC ang TV. Commercial na kasi sa balita.



"Myx na lang kasi."

No answer.



Tahimik lang na nagluluto si Vice dahil na rin agad siyang pinabayaan ni Karylle nang mahuli sila ni Jass... O nung... nahuli ni Jass si Karylle? Well, for one. K thought. Anong nakakaguilty at awkward dun eh in the first place, ano naman kung harutin ko siya, wa epek naman sa kanya yun? Bakla yun diba?

BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon